Pagdating nila sa bar pinagpasalamat niyang wala roon si Akio. Tinanong kasi ni Mark kung naroon si Akio at sinabi ng staff roon na wala si Akio sa bar. Pumunta sila sa bar ni Mark kung saan niya unang nakita si Akio at nakilala. Wala siyang idea na masusundan sa hindi magandang paraan ang pagkikita nilang muli ni Akio. "Ok lang ba sa VIP room tayo, Celina?" Mayor Mark asked her. "Yeah, sure," tugon niya rito. Alam naman niyang hindi basta-basta pwedeng makita si Mark ng mga tao. Isa itong ginagalang na Mayor sa bayan ng San Juan at sinasabing pinaka batang Mayor sa kanilang bansa. Nagtungo sila ni Mark sa VIP room na sinasabi nito kung saan isa iyonh silid na may salamin para makita ang mga taong nasa ibaba na sumasayaw at nag e-enjoy. Sa VIP room may sariling bar na rin at bar tender