"Good morning po Ma'am Celina nasa desk niyo na po ang mga papeles na kailangan pirmahan," salubong sa kanya ng kanyang secretary. "Salamat," pasalamat niya rito. "Anyway, may balita na ba sa commercial building na ibinebenta natin sa San Juan?" Tanong niya sa secretary. "Yes po, Ma'am nasa desk niyo na po ang ilang details na nakuha namin habang wala po kayo," tugon nito. "And also sabi ng secretary ng bibili hindi po niya kayo ma contact, and also sinubukan ko din po kayong tawagan kaya lang wala pong sumasagot," saad pa nito. "I lost my phone," she said. "Kaya po pala. Tawagan ko na lang po ang secretary para sa makapag set po ng meeting," saad nito sa kanya. "Yes, please," tugon niya at nagpasalamat na rin rito at nagtuloy na sa pagpasok sa loob ng kanyang opisina. Ilang araw s