Matapos ang kanyang trabaho sa opisina dumeretso muna siya sa ospital kung saan naka confined ang Ate Alexa niya para kumustahin ito. Wala kasing bantay ito ngayon maliban sa private nurse nito. May pasok ang kapatid niyang si April at hindi naman pwedeng magbantay ang Mama niya. Naipaalam na rin niya sa kanilang Papa ang ginawang ito ng Ate Alexa niya. Kung ano ang galit niya kay Pao ganun rin ang Papa niya. Nangako ang ama na dadalawin nito ang kapatid niya sa ospital. Alam niyang sa mga nangyayari sa pamilya nila ngayon ay kailangan nila ng isang ama, lalo na ang mga kapatid niyang babae. Kung sana kapiling pa nila ang kanilang Papa hanggang ngayon at buo pa ang kanilang pamilya ay baka hindi ganito ang buhay pamilya ng Ate Alexa niya. Sana ay nagabayan ito ng kanyang Mama at Papa, da