Useless Nandito ako ngayon sa library room ni William. Nanunuri ako sa mga andoon habang siya ay may kaharap na laptop at may katawagan. Naging busy siya nang hapon na iyon at wala akong magawa kundi ang purihin ang bawat sulok ng bahay niya. "The lot in Batanes is perfect for a hotel. I'll check my schedule to check the land. Yes..." habang sinasabi niya iyon ay tumingin ako sa kanya at nalamang nakatitig pala siya sa akin. Malamig akong umiwas bumunot ng librong nasa shelves. Nakuha 'nun ang atensyon ko dahil tungkol iyon sa mga bampira noong' unang panahon. Habang nalulunod ako sa mga binabasa ko ay narinig ko ang mga yapak ni William papunta sa akin. Ako naman ay nasa isang stool na nandoon at nakaupo na kaya tiningala ko siya. "Why?" napakurap kurap. Bahagya akong nahahabag