Ang sakit pala magmahal. Hindi pala puro saya ang pagmamahal. Hindi pala ang isang tao ay makukuntento sa isa. Natanong ko sa sarili kung, paano pag ako ang gumawa nun' sa kanya? Anong mararamdaman niya? Magagalit rin ba siya at masasaktan? How will I know coz' he's a boy? Mga lalaking madali lang makahanap ng ipapalit kaya paano siya masasaktan? Mahal nga ba niya ako? Pinunasan ko ang luha ng makasakay sa sasakyan. "M-Manong umalis na tayo. P-Pakibilisan!" naisigaw ko ang huling salita ng makitang sumusunod si William sa akin.Agad namang' tumalima ang driver namin. Hindi ko na tinitigan si William ng makaalis ang sasakyan. Wala akong ibang nararamdaman kundi galit,sakit at pagkapoot. Ayoko nang magtiwala kahit kanino! Hindi muna ako umuwi dahil alam kong hahanapin na naman