William Kung sa ibang pagkakataon ay maaappreciate ko ang paligid na aking dinaraanan bago makarating sa hospital na pinag dalhan ni mommy kay Hope. Ito ang unang pagkakataon na sobra sobra ang aking kaba para sa aking anak. Parang ako ay nakalutang nang makatuntong sa hospital. I asked for my daughter's room. Na admit si Hope sabi ni mommy kaya mas lalo akong nag alala. Naabutan ko si mommy na nakaupo sa tabi ni Hope. Parang dinudurog ang puso ko habang pinagmamasdan si Hope na may kakaunting luha sa mga mata ng aking anak. "Nakatulog siya dahil sa kakaiyak." halatang stress si mommy sa nangyari. Hinaplos ko ang pisngi ng anak at hinalikan ang kanyang kamay. "Anong sakit niya My?" I asked mom. Mom sigh. "Dengue...hindi ko alam kung saan nanggaling. Maaaring sa garden. Oh ..my.

