Prologue

605 Words
Itago natin siya sa pangalang Lee Seul Byul. 23 years old, been kissed, been touched, been loved, been into some relationshits, been into commitments without commandments pero virgin sa ilalim. Turned on: sa lalaking mas matanda sa kanya. Sa protocol niya, lamang dapat ng 3 to 5 years ang lalaki sa kanya. Kaya kung lalaki ka at type mo siya tapos bumaba ang edad mo kahit isang araw, isang minuto o di kaya;y isang segundo man lang sa kanya-- ekis ka na boy, no chances of winning. Hindi po siya Koreana, isa lang po siyang Filipina'ng feeling Koreana. Marunong siyang mag... "annyeong-haseyo" "Bangapsumnida" "Jamshimanyo" "Kamsahamnida" "Juseyo" "Gomawoyo" "Mianhamnida" Atbp. Natutunan niya yun lahat sa sariling sikap. Pero don't worry, hindi pa rin naman siya mas mabaho sa malansang isda dahil mahal na mahal niya naman pa rin ang kanyang sariling wika. Sa katunaya'y magaling siyang gumawa ng tula. "Ako'y tutula mahabang-mahaba, ako'y may nakita, taong mahaba ang baba. Ako'y nagtataka sandok ba o sagwan alin man sa dalawa tiyak na yun ay kanyang mapapakinabangan-- isang tunay na kayamanan sa mundong binaha na ng makamundong kapansanan..." Sample works niya yan, kung kayo'y nagtataka kung anong kahulugan. Pakiusap wag niyo nang intindihin ng lubusan. Wala po iyang laman, nagkataon lang talaga na ang pagkakatugma ng bawat salita sa bawat saknong ay magandang pakinggan. So back to her feels... Tinatawag ang sariling Army dahil bet niya ang isang Korean boy band. Fan siya ngunit hindi siya haters at bashers sa ibang boy band-- dahil lahat sila ay bet niya. Oppa, Oppa niya raw lahat. Loyal siya-- loyal sa isang libong lalaking naturingang Jowa niya. 50% nun ay nag e-exist pero di siya kilala. Kabilang sa parteng 'to ay mga idols at actors, ma pa male lead man, 2ng lead pa, extra or di kaya'y kontrabida, isama na natin yung napadaan lang sa background pati nga yung mga nasa tik tok douyin ay walang kawala-- basta patok sa kanyang panlasa, jowa niya na. 49% naman ay di na nga siya kilala, di pa nag e-exist-- saklap diba? Sa parteng 'to ay nasali na ang mga nasa anime at manga pati na rin ang mga fictional character sa w*****d. Pero dahil sa narcissistic siya, dun lang siya naiinlove sa mga character na ginawa niya. Sabi nga niya; "Kung di ko mahanap ang tamang lalaking mamahalin ko-- ako ang gagawa sa kanya." Kaya ayon naging writer siya para lang malikha ang mga lalaking pinapangarap niya. At araw-araw siyang inlove sa mga fictional character na siya lang ang may gawa-- adict diba? Pero syempre, matino pa rin naman siya kaya nga may 1% pang natitira-- para daw yun sa real world husband niya na di niya pa alam kung saan makukuha dahil sa naging mataas na rin ang standards niya sa kakabasa ng libro, manga, kakapanood ng anime, CDrama at KDrama. Hmm, bakit siya naturingan bilang si Insominia? Tanungin natin si David. A 19 years old lad pero aakalain mong matanda kapag nagsalita. Kaya nga kung titingnan mo silang dalawa-- si Insomnia ay mas isip bata. Ika nga: "Age is just a number, it doesn't define maturity." Bongga ng ipinaglalaban ni David, diba? Siya ang lalaking nasa kabilang ibayo. Ang tubong California, USA na adik kay Indra Ōtsutsuki. Bakit? Ewan, di niya sinabi. Basta ang sabi niya lang "I'll claim your heart in just 100 chats." Anong sabi ni Insomnia? "Lol! Isa kang alamat!" Syempre di yun naintindihan ni David, ang engliserong aangkin sa ating mga puso using his deadly 100 chats. ******* Is this based on a true story? Who knows. Do Insomnia and David existed in real life? Who knows.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD