Chapter-1 Before The First Chat.

1157 Words
Di ko po inaasahang ang original na kumanta ng INSOMNIA ay si CRAIG DAVID. Is this our story or a mere coincidence... are we really meant to be? O isa ka nanaman sa mga kwentong dadaan lang? Kapag, ganun naman pala-- pakiusap Wag mo nang simulan. Listen to the MV above, it talks a lot about the story. INSOMNIA Before David, there was Jaime and I wasn't named INSOMNIA "I am Lee Seul Byul." seryoso kong turan saka ibinigay ang ticket entry sa entrance ng horror house. "Adik ka ba, Miss?" di makapaniwalang bulalas ni manong nang sabihin ko ang pangalan ko. Syempre, dummy name ko yung Lee Seul Byul sa mga account man or sa kahit na saan. At saka wala namang bahid ng pagka Koreana ang mukha ko-- Korean by heart lang. Ang dummy name kong Lee Seul Byul ay sinadya ko lang namang kunin sa isang site na Korean Name Generator. May ilang questions lang sila sayo tapos ibibigay nila ang Korean version ng pangalan mo. Eto para maniwala ka: https:/umandmonkey.com/widgets/toys/namegen/10981#.Wx407EiFNPY Ang totoo eh Kim dapat ang apelyido ko sa Korean name generator kaso loyal ako sa mga asawa ko na sila; Lee Joon Gi, Lee Seung-gi, Lee Min Ho, Lee Jong Suk, Lee Dong Wook at Lee Hyun-woo kaya ginawa kong Lee ang apelyido ko-- mahal ko sila at ayaw ko silang masaktan. Byul means Star, Seul means Wisdom and Lee means only wife of my Oppas. So ano, kuha niyo na ang alamat ni Lee Seul Byul? Back to basic... "Hindi ako adik kuya pero nakakaadik po." napabungisngis ng tawa si manong, kita pa ang gilagid niya. "Ikaw talagang bata ka, ba't di mo ba sinasabi totoo mong pangalan." panenermon nito habang tinatatatakan ang ticket. "Kasi nga po kasal na ako sa mga asawa ko. At saka, wag na nga po kayong choosy, di niyo naman kelangan ang totoong pangalan eh. Tulad nito..." sabi ko saka itinuro ang mga nakahilerang listahan ng pangalan sa logbook niya. "Pedro Penduko." "Petrang Horsie" "Shinundot Kulangot" "Matitino po bang mga pangalan na yan? Eh ako lang ata ang may pinakamagandang pangalan dito eh." sabi ko sabay dukot ng chicharon sa mesa ni manong. "Oh siya-- sige na. Talo naman ako sayo lagi eh." humagikhik ito saka ako itinaboy. Kinuha ko ang supot ng chicharon nito. "Hoi, Byul-ya ang chicharon ko." napatigil ako nang marinig ang sigaw ni manong. Tinawag niya ba akong... "Byul-ya." sigaw nito ulit dahilan upang mailuwa ko ang chicharon. Nakahalukipkip ko itong binalikan. "Yung totoo kuya, nanonood ka ng KDrama ano?" nanliliit ang mga mata kong sumbat. "Ah hehe, kasi ganun naman sa mga KDrama diba, dadagdagan nila ng -ya kapag nagtatapos sa consonant ang pangalan tapos -ah kapag volwels." napangisi ako saka ko tinapik ang balikat nito. "Tama nang pag-aadik ya, baka ma tokhang ka." sabi ko saka ito tinalikuran. Pambihira, na surpresa ako ni manong dun ah. Kakauwi ko lang galing trabaho at sinadya kong dumaan sa horror house upang mambogbog ng mga multo sa loob. Bakit? Dahil sa kamalas-malasa'y nakita ko ang Ex kong si Jaime ang lalaking sa kamalas malasa'y minahal ko 7 years ago-- 16 years old pa ako nun, young wild and free. Siya ang first boyfriend ko, pero bago kami naging magka-ibigan ay naging magkaibigan muna kami. Siya yung tipo ng lalaking medyo makaluma, sobrang sweet at napaka gentlemen pa. Sa totoo lang ay kawangis niya ang mga mata ng aking legal husband na si Lee Joon Gi, kaya di ko maiwasang maisip si Ex sa tuwing nakikita ko ang mga drama nito, maliban dun ay mas matanda siya sa akin ng apat na taon-- kaya naman, pasok na pasok siya sa mga protocol ko. Bakit kami nag break? Hiniwalayan niya ako... dahil ayaw kong lumipat sa relihiyon niya. Di naman big deal sa akin ang hiwalayan ng lalaki eh, kaso ako pa ang niloko. After 3 days ng break up namin eh nagdala pa ng ibang babae-- tapos ang sabi, friends lang daw sila. Ako pa niloko, diyan din kami nagsimula eh. That's why-- I hate man in real world. Mas masarap pang mainlove sa unexisting as long as alam mo lang ang limitasyon. Pero kanina ay nakita ko siya, kaya bad trip ako. Kinalabit ako ng kapre kaya binalian ko 'to ng daliri. "Kikikik--kikikik." nakalawit ang dila na turan ng manananggal habang lumilipad sa ibabaw ko. Sa inis ko'y hinila ko ang dila nito kaya bumagsak ito sa sahig. "kik-- kikk-- ki" the manananggal's last words. Sinalubong ako ng isang bampira kaya sinuntok ko 'to sa mukha. Lumapit ako sa nakatayong white lady sa kanto. Tatakutin sana ako nito pero nang makita niya ako ay kumaripas ito ng takbo palabas-- lahat ng mga nilalang na nakakasalubong ko ay tumatakbo na palabas. Napayuko ako nang may unanong di ko maintindihan kung tumatakbo ba o naglalakad dahil mukha namang mabilis itong naglalakad. Sa inis ko ay binalibag ko ito palabas. "Byul-ya, ano bang problema mo? Alam mo bang natatakot na sayo ang mga tao ko." sita ni manong sa akin "Wag mo na lang siyang papasukin dito manong Tony." sigaw nung bampira. "Pumapasok lang naman yan dito kapag bad trip siya at gusto niyang manbugbog eh." sumbong nung unano. "Ano kaya kung libre ko kayo-- kain tayo mamaya pagkatapos ng trabaho niyo." agad namang nagliwanag ang mga mukha ng mga loko. "The best ka talaga Byul-ya." sigaw nung kapre na nakibyul-ya na rin. Pagka graduate ko sa kursong Accounting Technology ay nagsimula ako bilang Administrative Assistant then after 5 months ay na promote bilang Store Manager, pinalad naman. Di naman mahirap ang trabaho, sa katunaya'y nakakatuwa nga. Nakakaexcite kapag napapagalitan na ako ni Sir Elmer, yung boss naming ubod ng talino. Nakakaexcite lang umiyak-- kasi matatangay nun lahat. Ang ikinainis ko lang ay bakit sa dinami-rami ng taong pwede kong makita, bakit si Jaime Lim pa? Namimigay kasi siya nang leaflets at reading materials ng religion nila-- actually I admire how devoted he is. Ang totooy binigyan niya rin ako ng booklet sabay hingi ng number ko. At dahil di ako bitter at mabait ako at kaibigan ko siya dati at may pinagsamahan kami at kahit papano ay magkakilala kami-- binigay ko. Oi, naka move on na ako ha, 7 years na rin kaya yun-- ewan ko, ayoko lang siyang makita. Pagka uwi ko'y binuksan ko ang ilaw ng maliit kong opisina kung saan ako nagsusulat. Bukas ng laptop. Check ng sss, check ng notifications sa w*****d at check ng sss. Ganyan ang routine ko tapos magbibihis, kakain tapos mag-a update ng stories. Yes nagsusulat ako-- whenever I can't find the right story, I right it myself. At syempre ang mga nililikha kong character ay yung mga ideal man ko at kung minsan ay ayon pa sa personalidad ko. At syempre ang fictional character ay ang mga hubby ko hehe. And this is my first time, writing my own true story under the pen name... YourMissInsomnia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD