Mahaba ang naging byahe patungong bayan. Nakatanaw lamang si Freiya sa labas at kitang kita niya ang ganda ng daan sa gabi. Walang tao at tanging sasakyan lamang nila Vien ang naaaninag niyang nasa daan. Halatang napakalayo nga sa isla kung saan nanirahan si Freiya mula pagkabata. Halos gubat ang kanilang nadadaanan at napakaraming puno. Inabot ng ilang oras ang byahe hanggang sa makarating sila sa daungan ng mga barko.
Saglit umidlip si Freiya at nagulat na lamang siya nang bahagyang may tumapik sa kanyang balikat.
"Wake up, Frei. We're here." napaungol siya at kinusot ang mata.
Napatitig siya sa napakagwapong mukha ng binata at bahagyang nag init ang pisngi niya nang maalala ang nangyari kanina. Tumaas lang ang kilay ni Vien nang mapansin ang kakaibang titig nito.
Nakahinto na ang limousine na kanilang sinasakyan at nakabukas na ang pintuan nito.
"What are you thinking?" natauhan si Freiya at bahagyang tumikhim.
"W-Wala. Nasaan na tayo?" umiwas siya ng tingin pero ramdam niya ang paninitig ni Vien.
Umismid lang ang binata at kinuha ang kanyang kamay para alalayan itong bumaba.
"Seaport." tipid niyang sagot.
Nilibot ni Freiya ang tingin sa paligid at namangha sa ganda ng gabi. May nakita siyang isang yate sa hindi kalayuan at napangiti siya sa sobrang pananabik.
"Sasakay tayo doon?" tumango lang si Vien at bahagyang nagtatalon si Freiya sa tuwa. "Lahat tayo, sasakay doon?" tanong ulit nito habang hawak siya ni Vien papalapit sa pampang kung nasaan ang yate.
"No. Just Drake and Raze." tukoy ni Vien sa dalawang tauhang pinagkakatiwalaan niya.
Nilingon ito ni Freiya at agad bumulong kay Vien.
"Alam mo ba, may asawa na pala si Raze, narinig ko kay Niña." chismis nito. "At may gusto si Drake kay Niña." pahabol niya pa.
Tumaas ang kilay ni Vien sa sinabi nito. "Chismosa."
"Di ah. Narinig ko lang yung tungkol kay Raze. Tapos nakita ko naman sila Niña at Drake kanina sa likod ng bakuran nagyayakapan--" bago pa man matuloy ito ni Freiya ay may tumikhim sa kanyang likod.
"You should learn how to whisper right." bulong naman pabalik ni Vien na may multo ng ngiti sa labi.
Ngumuso lang ang dalaga at nilingon si Drake. Umiwas lang ng tingin ito at halatang nailang sa sinabi nito. Si Raze naman ay walang imik.
"Sorry Drake, Raze." mahinang sambit niya nang bahagyang nakalapit ito sa kanilang likod.
"Ayos lang, Miss." sagot ni Raze.
"Sikreto nalang dapat yon, Miss Freiya." tumango si Freiya kay Drake.
"Sorry, Drake. Hindi ko naman ipagkakalat na nagyakapan kayo kanina ni Niña." bahagyang namula ang lalaki at umiwas ng tingin.
Lihim naman na natawa ang ibang mga bodyguards na nakarinig lalo na si Raze. Mahina pa nitong inasar ang lalaki at nagilingan.
Napangiti si Freiya at nalilitong tiningnan ng pabalik balik ang mga bodyguards.
"Bakit po kayo nagtatawanan?" tanong niya.
Bago pa man masagot ng nino man ang tanong na iyon ay may isang matigas na tono ang tumawag sa kanya.
"Freiya." tawag ni Vien.
Hindi niya namalayang nasa hagdan na ito ng yate at naghihintay sa itaas. Kita niya agad ang iritasyon sa ekspresyon nito. Kumaway si Freiya sa mga bodyguards para magpaalam. Dali dali siyang umakyat papunta kay Vien. Sumunod naman si Drake at Raze sa kanya at inalalayan siya sa pagakyat.
Agad niyang nilapitan si Vien. Kunot ang noo nito at tinanaw ang mga bodyguard niya na nagtawanan kanina. Isa isa na silang pumunta sa kabilang yate na nakalaan para sa kanila.
"Anong pinagtatawanan nila?" bungad nito sa babae na halata ang pagkunot ng noo.
"Nagtawanan ba sila?" inosenteng tanong ni Freiya.
Agad sumingit si Drake at hinarap si Vien at bahagyang yumuko. "Dahil sakin yon, Sir. Walang kasalanan si Miss Freiya."
"Huh? Bakit dahil sayo?" nakuha naman agad ni Vien ang ibig sabihin ni Drake kaya naman hinayaan niya na ito.
May inutos siya kay Drake bago ito tumango at umalis. Nang maiwan silang dalawa ay hindi parin mawala sa mukha ng dalaga ang pagtatanong.
"Bakit daw sila nagtawanan?" tanong ulit nito.
"Because you're being nosy." nalukot naman ang mukha nito at halos matawa si Vien sa reaksyon nito pero pinigilan niya ang pagngiti.
"Narinig at nakita ko kasi!" giit niya pa.
"Alright, Frei." sagot nalang nito na ikinasimangot ng dalaga.
"Hi beautiful!" sumulpot ang isang lalaki sa gilid niya.
Kasing tangkad ito ni Vien at nakasuot ng isang simpleng shirt at khaki shorts. Halata sa pananamit nito na para itong isang modelo.
"Shut up, Ren." ani Vien na may pagbabantang tono.
Natawa lang si Ren at nagtaas ng dalawang kamay.
"Fine! Chill, man." tinapik pa nito ang balikat ni Vien at muling tumingin kay Freiya.
"Hi, Freiya. I'm Ren Hada and I'll be your tour guide." bati niya sa isang pormal na boses.
Nilahad pa nito ang kamay niya pero agad itong winaksi ni Vien.
"She's not pleased to meet you, Ren." sagot nito na may halong iritasyon.
"You're being possessive, Vien. Well, I can't blame you. She's really a beauty." sabat pa ulit ni Ren.
"Do you want me to throw you out?"
"Dito? Na puro tubig lang?"
"Exactly." lalong napangisi si Ren at umiling.
"Calm your ass, I'm not into her. It was just a compliment."
"Sino siya, Vien?" sabat ni Freiya nang hindi na mapigilan.
"Don't mind him--"
"I'm his loyal friend." putol ni Ren kay Vien. "s***h doctor."
"Wow. Doktor ka?" tumango si Ren. "Bakit wala kang uniform na pang doktor?"
"Uh, dahil wala ako sa ospital?" magtatanong palang sana si Freiya nang mapansin ang nagbabadyang masamang titig ni Vien na halatang iritado na sa kanyang tabi. "Come on, Vien. She's curious."
"H-Hindi okay lang. Hindi naman ako ganon ka curious." sabat ni Freiya at ngumiti.
Bahagya siyang dumikit kay Vien at nginitian ito.
"What a lucky bastard." natatawang bulong ni Ren.
"Let's talk later." tumango si Ren at nginitian si Freiya.
"Bye, Freiya!" kumaway rin si Freiya at tipid na ngumiti.
Pagkababa nila sa hagdan papunta sa unang palapag ng yate ay napaawang ang bibig ng dalaga nang makita na may isang kwarto sa palapag na iyon. Pumunta sila sa bandang harapan ng yate kung saan naroon ang mga kontrol ng makina ng barko.
"May kwarto rin ba dito?" humimig lamang si Vien bilang tugon at sinimulan paandarin ang makina at gamayin ang mga kontrol ng yate. Napalingon naman si Freiya doon. "I-Ikaw ang magdadrive?"
"I told you didn't I?" natulala lang si Freiya nang kontrolin ni Vien ang yate at hawakan ang manibela nito.
Napagtanto niyang ito ang pagdadrive na sinabi ni Vien nang magusap sila sa mansyon. Nang tumunog ang makina at umandar ang yate ay namangha si Freiya at napatingin kay Vien. May sinabi ito sa isang speaker bago nagpatuloy sa pagpapaandar ng yate. Nakasunod naman sa likod ang isang yate kung saan naroon ang mga tauhan ni Vien.
Nilingon niya ito at sinilip ang ekspresyon.
"Vien, galit ka ba?" kita niya ang pagigting ng panga nito bago sumagot.
"No."
"Parang galit ka eh."
"Hindi lang ako sanay."
"Saan?"
"Na nakikipagusap ka sa ibang lalaki." umawang ang bibig ni Freiya at napakurap.
"H-Hindi naman eh. Sorry na." bumuntong hininga lang si Vien at lumamlam ang mata.
"Can you promise me something?" lumiwanag ang mukha ni Freiya at nabuhayan.
"Oo naman. Anong ipapromise ko?"
"Do not smile too much in front of other people, especially in men." tumango si Freiya at ngumiti.
"Okay, Vien! Hindi ako ngingiti sobra sa iba, sayo lang." nilingon siya ni Vien at bumuga ito ng hangin bago binalik ang tingin sa harap.
Nagtiim bagang lang ang lalaki at bahagyang tumigas ang ekspresyon.
"Fucker. You're being selfish." bulong niya sa sarili.
Magsasalita palang si Freiya nang bahagyang may tumalon sa gilid ng dagat. Napangiti siya at napatakip ng bibig. Sinilip naman din ito ni Vien at napatingin kay Freiya.
"Dolphins! Sa libro ko lang nakikita ang mga ganitong uri ng isda!" manghang mangha si Freiya sa bawat dolphins na kanyang nakikita.
"Careful, Freiya." saway ni Vien nang makitang tumitingkayad ito habang nakahawak sa railings.
Pinagmasdan niya ang kagandahan ng buwan at tunog ng along humahampas dahil sa hangin. Napakatahimik ng gabi at tanging tunog lang mula sa kanilang yate ang naririnig sa buong paligid. Nang mawala sa paningin niya ang mga dolphins ay inangat naman niya ang tingin sa buwan.
Gustong gusto niya ang gabi. Ang buwan na sumisilip lagi sa kanya tuwing titingin siya sa kalangiyan sa madilim na langit. Ang ilaw nito na parang laging sumusunod sa kanya kahit saan man siya magpunta.
Napangiti siya sa napakagaang pakiramdam. Marami siyang tanong sa sarili, pero nawawala ang lahat ng iyon kapag nahahanap niya ang kapayapaan sa gabi.
Nang magsawa ang babae sa pagtanaw sa paligid ay agad siyang bumalik sa tabi ni Vien.
"Vien, nagutom ako bigla." bahagyang napangiti sa kanya si Vien at may kinontrol para manatili ang balanseng pagandar ng yate kahit hindi niya na kailangan iopera ng maigi ang pagpapatakbo nito.
Nanlaki ang mata ni Freiya nang bitawan nito ang manibela at nanatili parin ang pag andar ng yate.
"Baka mabangga tayo?" gulat na tanong niya.
Tumayo si Vien at nakapamulsang hinarap siya. Napatingala sa kanya si Freiya.
"Saan tayo mababangga?" natahimik ang dalaga at napaisip rin.
"Aalis kaba?"
"You said you're hungry." namilog ang mata ng dalaga at ngumiti.
Sunod sunod siyang tumango. "Kakain tayo?"
"I'll cook." halos mapatalon si Freiya sa tuwa sa narinig.
May tinawagan si Vien mula sa isang telepono at ilang saglit palang ay may dumating na isang lalaking nakauniporme ng puti sa kanilang harap.
"Sir." bati nito.
"You can take over." aniya sa lalaki.
"Yes sir."
Marahan siyang hinila ni Vien papasok sa loob na nagiisang kwarto sa yate.
"Dalawa kayong driver pala? Marunong rin ba siya mag drive?" sunod sunod nitong tanong.
"Yes, Frei."
Pumasok sila sa kwarto at halos mamangha si Freiya sa napakalinis at napakagandang loob nito. Maliit ito tingnan mula sa labas pero parang napakalawak sa loob dahil sa napaka kumpletong gamit.
May isang litrato na nakasabit sa dingding na pinagtuonan ng pansin ni Freiya.
Litrato ito ng isla kung saan siya lumaki. Kuha ito sa gabi dahil kitang kita ang ganda ng buwan.
"Vien, takot ka ba sa dilim?" tanong niya habang nakatingin sa litrato.
Lumapit si Vien sa kanya mula sa kanyang likuran.
"Mas takot akong mawala ka." diretsong sagot nito.
Nilingon niya ito mula sa kanyang likuran at nag angat ng tingin dahil sa katangkaran nito.
"Hindi naman ako mawawala eh. Iniiba mo sagot eh." nakangusong sambit nito.
"Hindi ang sagot ko para sa tanong mo." tumango si Freiya.
"Gustong gusto ko ang dilim ng gabi. Ang ganda ng langit. Laging nakasilip satin ang buwan."
"I'll be your moon, always be your guide when it's dark." napalunok si Freiya at halos umalon ang kanyang sikmura sa pakiramdam sa narinig.
"G-Gutom na yata ako, Vien." halos mapangiti si Vien pero tumango lang ito.
Lumapit si Vien sa nagsisilbing maliit na kusina sa loob ng kwarto.
Niluwagan ni Vien ang necktie niya at tinupi pataas ang polo hanggang siko. Halos mapalunok ang dalaga nang bumalik ang lahat ng nangyari kanina sa sasakyan. Kita niya ang kakisigan nito mula sa malayo, lalo na nang maglapit sila kaninang dalawa.
Hindi maipaliwanag ni Freiya ang pagnanasang nararamdaman niya kay Vien. Gusto niyang mawala ang kung anong iniisip niya dahil pakiramdam niya ay hindi tama iyon.
Bumabalik sa kanya ang sinabi nito kanina.
Not here, Frei. Not here.
Kung bawal doon, pwede na ba rito?
Ang isip isip nito. Napailing siya at sinapo ang noo.
"Something wrong?" nabalik siya sa realidad at mabilis na umiling.
"Anong lulutuin mo?"
"Fish."
"Talaga?! Dolphins ba yan?" agad niya itong nilapitan at tiningnan ang mga nilabas nitong isda sa maliit na ref.
"Hindi kinakain ang dolphins, Freiya."
"Ah, ganon?"
"Oo. Ganon."
Nilagay muna ito ni Vien sa isang tubig para matunaw dahil tumigas ito sa pagkakalagay sa freezer. Naghanda na siya ng iba pang lulutuin at sinimulang buksan ang kalan. Nakatitig lang dito si Freiya at napaatras sa biglang pagbukas ng kalan at pagbuga ng apoy nito.
May mabilis na pumasok na imahe sa kanyang isipan at agad siyang nagitla at napaatras. Napalingon sa kanya at agad napagtanto ang dahilan. Pinatay niya ang kalan at agad lumapit kay Freiya.
"Freiya.."
Isang lumiliyab na apoy ang nakita niya at boses ng umiiyak na bata. Napapikit siya at napahawak sa ulo. Matinding kirot ang naramdaman niya habang paulit ulit na naririnig ang boses. Halos mapaupo siya pero agad siyang hinawakan ni Vien. Napahawak siya sa braso nito sa sakit na nadarama mula sa kanyang ulo.
"f**k. You're still afraid of fire." bulong ni Vien.
Malimit gumagamit sa mansyon ng normal na kalan na nagpapakita ng apoy. Awatomatiko ang mga kagamitan doon sa pagluluto para lang maiwas si Freiya sa pagkatakot. Akala nila ay wala na ang takot nito sa apoy dahil noong nakaraan lamang ay tinuruan siya ni Vien sa pagluluto at may apoy ang kalan ng oras na iyon.
Yumakap sa kanya si Freiya ng mahigpit at halos nanginginig ang buong katawan nito. Humiwalay si Vien nang yakap at binuhat ito papunta sa isang kama.
May tinawagan siya mula sa telepono na nasa tabi nito habang hindi parin binibitawan si Freiya. Nakapikit lang ito at mahigpit ang hawak nito sa kanyang batok at nakasandal sa kanyang dibdib
"Look at me, Frei. Open your eyes. Look at me." hinawakan ni Vien ang kanyang pisngi at pilit inaangat ang tingin nito.
Nakayuko lang si Freiya at nagsimulang tumulo ang luha niya.
"Freiya, please. Look at me." agad napadilat si Freiya at tuloy tuloy ang agos ng luha nito habang nakatulala. "Are you okay?" nakatitig lang ito sa mga mata niya.
Ilang sandali pa bumuka ang labi niya at wala sa sariling nagtanong. Halos magtaka siya sa pagiging pamilyar na mga mata ni Vien na parang nakita na niya ito noon pa, pero hindi iyon ang unang lumabas na tanong sa bibig niya.
"S-Sino si Lifrei?"
Natulala si Vien at natigilan. Bahagya siyang napalunok dahil parang may bumara bigla sa kanyang lalamunan. Para bang lahat ng takot niya na hindi niya naramdam noon ay lumabas lahat ngayon. Umigting ang panga niya at halos hindi magawang sagutin ang tanong nito.
"Sir!" kasabay ng pagpasok ni Ren ay ang pagbagsak ni Freiya sa mga kamay niya.
Agad hiniga ni Vien ng maayos si Freiya para matingnan ni Ren ang kalagayan nito. Napahigpit ang hawak Vien mula sa gilid ng kama habang umaapaw ang takot at pagaalala sa dalaga.
Napakaraming tanong at senaryo ang pumasok sa utak ni Vien pero isang bagay lang ang nangingibabaw sa kanya.
"Is she okay?"
"Oo. Nawalan lang siya ng malay, magigising rin siya mamaya." nakahinga ng maluwag si Vien.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Ren matapos itong turukan ng gamot.
Umupo si Vien sa gilid ng kama at tinukod ang siko sa tuhod. Pilit niyang kinakalma ang sarili sa nangyari. Ilang sandali pa bago siya sumagot na ikinagulat ng sobra ng kanyang kaibigan.
"She remembered her name."
Napanganga si Ren at umiling iling. "You're f*****g doomed, Victorius."
--