Ang simpleng pagtitipon na ginanap sa garden ay dinaluhan lamang ng mga tauhan ni Vien at mga katulong sa mansyon. Walang kaibigan si Freiya mula sa labas, kaya ganon na lamang ang pananabik kapag nagtitipon ang lahat ng tao sa mansyon. Tila ay sabik na sabik sa mga tao roon kahit kakilala na niya ang lahat ng mga ito. Halos lahat ay babae na tagapagalaga ng mansyon. Ang mga lalaking bodyguard ay nasa gilid lamang at nakatayo.
"Miss Freiya, bilin ni ser bawal kang uminom." sinenyasan niya na huwag itong maingay at nginitian ang katulong na nagtanong.
Ang huling memorya niya nang sinubukan niya ang alak ay ang kinulit kulit si Vien at ayaw na niyang maulit pa iyon. Sinisigurado naman niyang kaunti lamang ang iinumin niya ngayong gabi.
"Sayang, Miss. Hindi ba twenty-two ka na? Bakit kaya nandito ka parin sa mansyon at nakakulong?" agad sinita ng ilang nakarinig ang sinambit ng isang katulong. "S-Sorry, Miss." nginitian niya lang ito at pinagpatuloy ang pag inom ng juice at panonood sa mga tauhan sa mansyon na nagsasaya.
Hindi niya rin alam kung bakit ayaw ni Vien na papuntahin siyang syudad o ibang lugar man lang. Nagkamalay na siya dito sa mansyon, halos sulok nito ay kabisado na niya. Wala siya gaanong memorya noong bata pa siya. Nang sinubukan niyang tanungin patungkol dati si Vien ay tanging sinasabi lang nito na ayaw niyang mapahamak siya kaya maiging sa mansyon na lamang siya. May tiwala siya kay Vien kaya simula noon ay hindi na niya kinulit pa patungkol sa bagay na yon, pero ngayong gabi labis ang tuwa niya nang sabihin ni Vien na aalis sila patungong syudad.
"Sige Miss, inom lang kami. Happy birthday ulit!" tumango si Freiya at ngumiti.
Nakasalubong naman agad ng mga katulong si Vien. "S-Sir Vien, magandang gabi ho." halos hindi makatingin ang mga kasambahay sa kanya.
Nakasuot ito ng kupas na pantalon at polo, iba sa mga nakasanayan nilang makitang suotin ng binata. Hindi mapagkakailang kahit ubod ito ng sungit at walang emosyon ay sumisigaw ang kakisigan nito sa bawat parte ng katawan mula ulo hanggang paa.
Hindi sila pinansin ni Vien at tinitigan lamang sila, lalagpasan na sana niya ang mga ito nang agad magsenyasan ang ibang kasambahay dahil sa gusto nilang sabihin.
"What?" kumunot ang noo Vien sa mga ito.
Lahat ng tauhan sa mansyon ay takot sa aura ni Vien dahil bukod sa wala itong pakialam sa mga bagay bagay ay hindi lang man sila nito kinakausap ng matagal, depende nalang kung may iutos. Ang mga kasambahay na nagtatangkang magbigay ng motibo kay Vien ay tanggal agad sa trabaho, kaya naman halos lahat ng kasambahay na nagtatrabaho sa kanya ay kailangang may asawa o hindi kaya ay may anak.
"P-Pwede ho bang mag isang case pa kami, Sir Vien?" alanganing tanong ni Nina.
"Kayo ang bahala, basta ayaw ko ng maingay." hindi alam ng mga katulong kung pagsangayon ba iyon o hindi.
"Ibig sabihin, iinom kami ng tahimik ser?" alanganing tanong ng isang katulong.
Tumaas ang kilay ni Vien at tiningan ang nagsalita. "Good idea, you should do that." suminghap ang iilang katulong at halos samaan ng tingin ang nagsalita.
"Sige sir, inom lang kami." paalam ni Nina. "Ng tahimik." aniya at sinenyasan ang mga kasambahay na dumiretso sa kung saan naroon ang mga inumin.
Agad itong binalewala ni Vien at nilapitan si Freiya. Lumiwanag ang mukha nito.
"Vien! Saan ka galing?" halos gumaan ang pakiramdam ni Vien at kumalma sa ngiti nito.
"I called my secretary to move my meeting by next week." paliwanag nito. "Did you drink something?" pagiiba niya.
Halos masamid si Freiya sa tanong nito. "Uhm. O-Oo. B-Beer lang." mataman lamang siyang tinitigan ni Vien at sa huli ay tumango nalang.
"Are you enjoying?" tumango si Freiya at agad sumandal sa balikat ni Vien.
"Oo, kasi andyan ka."
"Marami ka na bang nainom?"
"Konti lang. Isang lata lang ng beer. Ikaw? Hindi ka iinom?" umiling si Vien.
"Magdadrive pa ako." agad siyang napaayos ng upo at nakaramdam ng excitement sa alis nila.
"Aalis na tayo?" nilingon siya ni Vien at tumingin sa kanyang relo saka ulit siya tiningnan.
"Do you wanna go?"
"Oo!" masayang sagot nito.
"Alright." kinuha niya ang kamay ng babae at sumenyas sa isa niyang tauhan.
May mga bilin siya rito na ipinasabi niya sa mga kasambahay. Dumiretso si Vien at Freiya sa malaking sala.
"Magbihis kana, hihintayin kita dito." tumango si Freiya at nakangiting tumakbo paakyat ng kanyang kwarto. "Watch your steps!" malakas na paalala pa ni Vien dahil para itong bata sa pagmamadali.
Pinagmasdan niya ito hanggang makaakyat ng tuluyan. Lihim siyang napangiti. Ang kilos talaga ng dalaga ay masyadong nakakatuwa, lalong umaapaw ang pagaalala at pagkagusto ni Vien na ilayo ito mula sa mga taong gustong manakit sa kanya.
Samantalang si Freiya ay nagbihis lamang ng maong na shorts at isang makapal na hoodie dahil sabi ni Vien ay ituturing lamang niya itong simpleng bakasyon. Pinusod niya ang kanyang buhok at lumapit sa kanyang aparador. Wala na ang ibang damit niya at naisip niyang baka pinagimapake na siya nila Manang Esme.
Narinig niya ang tunog ng sunod sunod na busina kaya sumilip si Freiya sa bintana. Naisip niyang tauhan ito ni Vien kaya naman ganon na lamang ang pagtalon ng puso niya sa pananabik. Halos patakbo siyang bumaba at nakitang wala na si Vien sa pwesto niya kanina at tanging si Manang Esme lang ang naroon.
"Manang, si Vien po?"
"Nasa labas, dumating lang ang ibang tauhan niya." lumapit ang matanda sa kanya. "Freiya, may sinabi ba sayo si Sir Vien? Bakit nagpadala siya ng maraming tauhan?"
"Kasi po aalis kami?" hindi siguradong sagot ng dalaga. "Sabi po niya, aalis kami. Ayun lang." natahimik ang matanda at napaisip dahil hindi parin siya matahimik at tila ay may hindi magandang mangyayari. "Bakit po? May problema po ba, Manang?"
"Wala naman, anak."
"Bakit nga po ba may mga tauhang pinadala si Vien?" natahimik ang matanda bago sumagot.
"Para sa seguridad niyong dalawa. Magiingat kayo doon ha? Huwag kang makulit at huwag kang lalayo kay Sir Vien."
Natigil sila nang pumasok si Vien. Agad dumapo ang tingin niya kay Freiya. Pinasadahan siya nito ng tingin bago ito nilapitan.
"Is that mine?" nangingiting tanong Vien.
Napansin naman ni Freiya ang paninitig nito sa suot niyang sweatshirt. "Sayo pala to?"
"I think so."
"Ah Sir, baka namali lang ng lagay ang ibang kasambahay." tumango lang si Vien.
"It's okay." tipid niyang sagot. "It looks good on you." uminit ang pisngi ng dalaga sa sinabi niya at bahagyang yumuko. "Let's go." aniya sabay huli sa kamay ni Freiya.
Halos magwala ang puso nito sa biglang naramdaman. Naninibago siya sa ganitong pakiramdam pero hindi niya mapigilan ang pagngiti sa kabila ng hindi maipaliwanag na kaba.
Matapos ang pagpapaalam ni Freiya sa matanda ay sumakay na sila ng kotse. Grabe ang tuwa at saya ni Freiya nang sumakay siya sa passenger seat. Ito ang unang beses niyang sasakay sa isang sasakyan at limousine pa ito. Manghang mangha siya nang pumasok siya sa loob dahil para itong maliit na pahabang kwarto. Kumpleto sa gamit at napakalinis.
"Ang ganda naman dito, Vien. Dito ka ba natutulog minsan?" natawa ang lalaki.
"No."
Sa malawak na magkabilang mahabang upuan sa loob ng limousine ay nakaupo sila sa kaliwang parte. Ang upuan ay kasya halos sa tatlong tao kaya sinubukang mahiga ni Freiya at napangiti siya nang kasya nga siya sa upuan na iyon. Agad rin siyang bumangon at umayos ng upo.
"Ang bango naman dito." nakangiting sambit niya at pinasadahan ang buong loob. Lumingon siya sa labas at napangiti siya nang makita ang maliwanag na buwan. "Parang sinusundan tayo ng buwan."
Nakatitig lang si Vien sa kanya at aliw sa mga kinikilos niya.
"Oh! May mga nakasunod sa atin?" tumango si Vien. "Kasama rin ba sila sa bakasyon natin?"
"It's for your protection. I need to tighten the security for you." kumunot ang noo ni Freiya.
"Huh? Bakit?" hindi ito sinagot ni Vien sa halip iniba ang usapan.
"I have something for you." may nilabas si Vien mula sa kanyang bulsa mula sa suot niyang coat.
Napalingon doon si Freiya at agad umawang ang bibig niya.
Isang puting box. Binuksan niya ito at nilabas ang isang titanium steel na faith bangle. Namangha si Freiya at napangiti.
May katabi ang bangle na iyon na isang kwintas na susi sa hugis ng pendant. Kinuha ni Vien ang kwintas at ginamit ang susi nito para buksan ang bangle. Sinuot niya sa kamay ni Freiya ang bangle at ni lock ito. Sinuot naman ni Vien ang kwintas at hinawakan ang pendant nito.
"This is mine."
"Ibig sabihin hindi ko to matatanggal kapag wala yan?" tanong niya at sinubukan tanggalin ang bangle sa kamay pero sakto lang ito sa kanyang pulsohan kaya masakit kung pupwersahing tanggalin.
"Yes, Freiya." napangiti si Freiya.
"Edi kailangan nasa tabi kita lagi?"
"I will be." agad niyang niyakap si Vien at hinalikan ang pisngi nito.
"Thank you, Vien!" hinapit ni Vien ang kanyang bewang at niyakap rin ito.
"You're welcome. Happy birthday."
"Huwag kang mawawala sakin ha?" hinalikan ni Vien ang kanyang noo.
"I won't."
Napalunok si Freiya at halos mapaso sa ginawa ni Vien. Agad siyang napalayo dahil sa naghuhurementado niyang puso. Umiwas siya ng tingin at nilagay ang dalawa niyang kamay sa kanyang hita.
Nagtaka naman si Vien. "Freiya, what's wrong?" lalo itong umusog palayo.
"K-Kasi kinakabahan ako."
"Why?"
"M-Malapit ka kasi eh. Ang bilis ng t***k ng p-puso ko." halos matawa doon si Vien pero nanatili lang siyang nakangiti.
Pinaglaruan niya ang kanyang labi at kinagat ito. Nang lingunin siya ni Freiya ay agad dumapo ang tingin niya sa labi ni Vien. Agad itong nagiwas ng tingin nang parang halos kapusin siya ng hininga sa ganoong itsura ng binata.
"B-Bakit ka ngumingiti?" lumikot ang mata nito at hindi mapalagay.
"Bakit nga ba?" sagot ni Vien na parang nangaasar pa.
Napasinghap siya nang kinain ni Vien ang layo nilang dalawa at halos ilang pulagad nalang ang layo nito sa kanya. "Lumayo ka nga! M-Masyado kang malapit."
Kinuha ni Vien ang kanyang kamay. Halos makuryente siya sa ginawa nito. Naguguluhan siya at parang gusto bunaliktad ng kanyang sikmura sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Hindi naman ito ganon dati.
"You're very aggressive last week, where did your guts go?" nang lumingon si Freiya ay halos magtama ang kanilang mga labi dahil napakalapit ni Vien.
Napakurap siya at natulala. "Kasi, i-iba na ngayon.." halos pabulong na sambit nito at bumaba ang tingin sa labi ni Vien.
"Gusto mo na ako ngayon?" pabalik na bulong ni Vien.
Halos manlamig si Freiya sa napakalalim na boses nitong parang paos at nangaakit.
"Huh? H-Hindi ko alam." nanatili ang tingin ni Freiya sa labi nito. "Pwede ba kitang halikan--"
Nanlaki ang mata nito nang halikan siya ni Vien at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Nang lumalim ang halik ay agad din siyang napapikit at napahawak sa suot na polo ni Vien. Inabot niya ang batok nito bilang alalay dahil nanghihina na ang kanyang kamay.
"Open your mouth, Frei." paos na bulong ni Vien.
Nang umawang ang bibig ng dalaga ay agad itong inatake ni Vien ng kanyang dila. Bumilis ang t***k ng puso niya at halos maginit ang buong katawan. Unti unting napahiga si Freiya nang hindi pinuputol ni Vien ang halik. Gumapang ang kamay ni Vien mula sa likod niya hanggang sa loob ng kanyang suot na hoodie. Pinasok niya ang kanyang kamay at hinaplos ang bewang ng dalaga. Nang umakyat pa ang kanyang kamay at hinaplos ang sensitibo niyang parte ay napadaing si Freiya na halos ikabaliw ni Vien.
Bumaba ang halik ni Vien sa leeg ni Freiya at amoy na amoy nito ang napakatamis na pabango nitong lalong nagpatindi ng sensasyon na nararamdaman niya.
"Ahh. Vien.." humigpit ang kapit nito sa batok ni Vien nang lalo siyang mapahiga.
Napadilat siya ng bahagya nang maramdaman niya ang umbok nito sa ibaba. Hindi maintindihan ng dalaga ang tindi ng pagnanasa niya ngayon kay Vien, hindi niya mapigilan ang daing na kumakawala sa kanya habang patuloy siya nitong hinahalikan sa leeg.
Nang bumaba ang halik ni Vien pababa sa kanyang dibdib ay agad siyang napamura. Halos maputol ang pagtitimpi ni Vien sa loob ng ilang taon. Hindi niya kayang lokohin ang sarili lalo na ang katawan niya. Gusto niya si Freiya at ilang beses na pumasok sa isip niya ang ganitong eksena pero binabalewala niya lang ang ganitong pagnanasa dahil alam niyang hindi handa ang dalaga sa mga ganoon.
Tumigil siya at pumikit. Nasa ibabaw siya ni Freiya at kasalukuyang kinakalma ang sarili.
"V-Vien? Bakit ka.."
"Shh. Let's stay like this for a while."
"Pero.." kita niya ang pamumula ng mukha nito at pagigting ng panga habang nakapikit.
Mabilis ang paghinga ni Vien. Napalunok pa siya nang maramdaman ang kaninang sumagi sa kanyang hita. Kinakain siya ng kuryosidad at gustong magtanong pero nanatiling nakapikit si Vien habang nasa ibabaw niya.
Nang dumilat ito ay agad nagtama ang kanilang tingin.
Halos marinig ni Freiya ang lakas ng t***k ng puso niya. "G-Galit ka ba?"
Puno ng pagkadismaya ang mukha niy dahil sa biglaang pagtigil nito. Gustong gusto niya ang pinaparamdam sa kanya ni Vien.
"No, it's just.." binasa niya ang labi niya. "This is not the proper place to do this." mabilis itong umalis sa ibabaw niya at halos mahigit niya ang hininga niya nang makita ang umbok nito sa pantalon niya.
Napansin naman ni Vien ang pagtingin niya kaya umayos siya ng upo at tinukod ang siko sa tuhod. Kunot ang noo nito habang niluluwagan ang tali ng kanyang necktie.
"Sorry."
Umawang ang bibig niya dahil ito yata ang unang beses niyang marinig humingi ng tawad sa kanya na napakaseryoso.
"Para saan? G-Gusto ko pa nga eh. Ayaw mo ba sakin?" tanong nito sa maliit na boses. "Ang sarap mong humalik." napaungol si Vien sa sinabi nito at lalong nahirapan.
Ramdam ni Vien ang pagsikip ng kanyang pantalon at alam niya sa sarili niyang kung hindi siya titigil ay marahil maaangkin niya si Freiya sa loob ng limousine na iyon. Sandamakmak na ideya ang pumapasok sa isip niya at hindi niya mapigilan ang pagtaas ng kanyang libido. Umiling siya at hinilamos ang kamay sa mukha.
Ilang beses itong bumuga ng hangin bago marahang hinila si Freiya. Puno naman pagtataka ang dalaga sa kinilos nito.
"Not here, Frei. Not here." mahinang sambit nito.
--