Masayang nakapangalumbaba si Freiya habang nakatitig kay Vien na kasalukuyang nagtatrabaho. Napakagwapo nito at seryoso. Pati ang pagmumura ay lalong nagpangiti sa kanya. Alam niyang ayaw ni Vien na naririnig niya itong nagmumura kaya naman ay humihina ang boses nito at npapatagilid kapag napapamura siya sa kausap sa kabilan linya.
"Email the document files to me by seven in the evening. Tell the investors that I'll meet them tomorrow." aniya at ibinaba ang telepono.
Namiss niya ito dahil halos isang linggo ito wala. Ayos naman siya dati kung wala ito, pero mas lalo niya yatang namimiss ang lalaki sa pagdaan ng mga araw.
Sumandal ito sa swivel chair at hinilot ang sentido. "Gusto mo massage kita? Marunong ako. Tinuruan ako ni Manang Esme." nakangiting suhestiyon nito.
"Just leave, Freiya. I'm working." sumimangot ito.
"Sige, pwede ba tayong maligo sa sapa?" kunot noo siyang binalingan ng lalaki.
"Again? We went there last weekend."
"Kaya nga. Eh wala ka naman halos isang linggo, weekend ka lang umuuwi. Tapos busy ka pa." may pagtatampo na sabi nito. "Birthday ko naman ngayon eh.." bulong niya pa.
"Kaya nga, birthday mo ngayon. Bakit gusto mo pumunta doon?" tanong ni Vien.
"Eh masaya ako kapag kasama ka doon." saglit natigilan si Vien at napatitig sa kanya.
Pinilig niya ang ulo niya at umiling.
"Just stay at home, you'll have a party later." ngumuso ang babae at bumaba ang tingin niya sa isang papeles na may nakalagay ng buo nitong pangalan.
Victorius Enrique Del Condre.
"Vien? Diba pamilya tayo? Bakit hindi tayo pareho ng apilyedo?" agad tinabunan ni Vien ang papel na tinitingnan ng babae.
"Hindi lahat ng pamilya pareho ng apilyedo." inangat niya ang tingin sa babae. "Hindi ba yan naturo ni Manang Esme sayo?" umiling ang babae.
Napabuntong hininga nalang si Vien at binalik ang tingin sa mga papeles na nirerebyu niya para sa isang meeting.
"Eh ano pala tayo?" puno ng kuryosidad na tanong ni Freiya. "Friends lang?" kumunot ang noo ni Vien.
"I am your family, your friend, your.."
Enemy.
Ang di matuloy tuloy sabihin ni Vien. Tumikhim ito at umiwas ng tingin. "Bumaba kana at kumain, marami pa akong aasikasuhin."
"Birthday ko nga ngayon eh, uuwi ka bang maaga?" tanong ni Freiya.
Tinitigan ni Vien ang mata nitong punong puno ng pagkaasa sa sagot. "Oo, uuwi akong maaga." lumaki ang ngiti ni Freiya at tumayo.
"Okay, hindi na muna kita iistorbohin." masayang sambit nito at daling lumabas ng kwarto.
Napasandal sa swivel chair si Vien at napahilot ng sentido. Edad bente dos na ang dalaga, gusto na niyang ipaalam ang totoong nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Kung bakit ganon ang buhay ng babae at kung bakit nasa puder niya ito. Ang kanyang ama ay miyembro ng yakuza at malaki ang utang ng pamilya ni Freiya sa kanya kaya naman nang gabing sinubukan tumakas ng kanyang pamilya ng gabing iyon ay naunahan ito ng ama ni Vien at agad pinapatay ang mga magulang nito at iba nitong kapatid. Tanging si Freiya lang ang natira na walang kamuwang muwang noong mga oras na iyon.
Tuwing bumabalik ang pangyayaring iyon kay Vien ay grabeng bangungot ang kanyang nararanasan. Gusto na niyang palayain ang babae at gusto na niyang maging malaya sa hinanakit, pero hindi niya pa kaya. Hindi na.
Tumunog ang telepono ni Vien na agad nagpadilat sa kanya. Agad niya itong sinagot.
"Young master.." bahagya siyang natigilan.
Ilang taon narin niyang hindi naririnig ang boses nito. Ang butler niya na kasa kasama niya para itago sa islang ito si Freiya.
"Renzo." tawag rin nito sa pangalan niya.
"Kadarating lamang namin sa Pilipinas." naningkit ang mata ni Vien sa narinig. "Kasama ko ngayon si master, kabababa niya lang mula sa eroplano."
"He dare to come back here?" aniya sa matigas na tono.
"Nalaman niya na naglalagi ka dyan sa isla kaya dyan niya gustong dumiretso paguwi." agad umapaw ang kaba at takot kay Vien. "Mabuting ilayo mo muna siya dyan, Vien." humigpit ang hawak ni Vien sa telepono, pilit na kinakalma ang sarili sa galit.
"Bakit kayo umuwi?" malamig niyang tanong.
"Diyan gaganapin ang pagtitipon ng kaarawan ng anak ng isa sa mataas na lider ng yakuza." lalong umapaw ang inis kay Vien. "Kasama niya rin ngayon ang lider na yon pati ang anak nito."
"Sabihin mo huwag na siyang pumunta dito, kung hindi gagamitan ko ng pwersa ang mga tauhan niya." narinig niya ang pagbuga ng hangin ng kanyang butler sa kabilang linya.
"Basta't ilayo mo muna si Freiya dyan para makaiwas siya sa gulo."
"Siya ang umiwas sa akin para walang gulo, sabihin mo yan sa kanya." aniya at binaba ang tawag.
Napahilamos siya ng mukha at inis na hinampas ang lamesa. Igting ang kanyang panga at taas baba ang dibdib sa pangamba at galit.
Simula ng araw na kinuha niya si Freiya, lumayo na ang loob niya sa kanyang ama. Lumala pa ito ng mamatay ang kanyang ina sa sakit at ang ama niya ay nagpapakasasa lamang sa ibang babae. Maraming babae ang kanyang ama at hindi niya maatim ang ganitong buhay kaya siya mismo ang lumayo. Siya ang bukod tanging anak kaya siya ang inaasahang susunod sa yapak ng ama sa posisyon nito sa yakuza.
Agad niyang kinuha ang coat niya at agad siyang lumabas sa opisina. Namataan niya si Freiya na malayang tumatawa habang kasama ang ibang katulong sa paghanda ng pagkain.
Hindi niya lubos maisip kung anong maaaring gawin ng kanyang ama kapag nakita niya ito. Kakaibang ganda ang taglay ng babae, ang tipo nito ay hindi basta bastang isang beses mo lang lilingunin. Alam ito ni Vien at pansin niya ito tuwing napapatitig ng matagal ang iba niyang tauhang lalaki na agad niya namang tinatanggal. Kung sa ganon ay lubos na ang iritasyon niya, paano pa kaya kung matipuhan ito ng kanyang ama. Alam ni Vien sa sarili niya na delikado kung may iba pang makakita kay Freiya. Wala siyang pakialam sa mga pinaggagawa ng kanyang ama sa buhay at ayaw niyang pati ang babae ay madamay.
Nahagip ni Freiya ang kabababa lang na si Vien. Kinawayan niya ito at nginitian. Hindi ito ngumiti pabalik at seryoso lamang ang tingin sa kanya.
"Miss Freiya, nag away ho ba kayo ni ser?" tanong ng isa sa mga katulong.
"Huh? Hindi ah. Okay naman kami pagkalabas ko ng opisina niya."
"Naku, mukhang galit Miss." napalingon si Freiya sa sinabi nito at labis na nagtaka.
Alam niya sa sarili niya na wala siyang ginawa, o baka naman dahil ito sa birthday niya kaya nagalit. Natigil lamang ang dalawa nang nasa harap na pala nila si Vien. Yumuko ang lahat ng mga naroon bilang paggalang.
Hinawakan ni Vien ang kamay nito at marahang hinila papuntang veranda. Pansin ni Freiya ang higpit ng pagkakahawak ng lalaki sa kanya. Seryoso ang tingin nito at bahagya siyang nakaramdam ng kaunting takot dahil baka may nagawa na naman siyang mali.
"M-May problema ba Vien?" kinakabahang tanong niya.
Tumigil sila nang makalayo sa mata ng mga katulong na naroon. Hinarap siya ni Vien at binitawan.
"We will leave tonight after your party." nagulat si Freiya sa sinabi nito.
"P-Pero bakit?" umigting ang panga ni Vien.
"Sabi mo gusto mo makita ng matataas na building." lumiwanag ang mukha ni Freiya at agad hinawakan ang kamay ni Vien.
"Talaga? Payag ka ng pumunta tayong syudad? Sasamahan mo ako?" puno ng pananabik na sambit ng babae. Tumango lang si Vien at nanatili ang tuwid na reaksyon nito. "Yes!" agad niya itong niyakap. "Thank you, Vien! Akala ko galit ka na naman." aniya sa malambing na boses.
Lalong gustong ilayo agad ni Vien ang babae ora mismo, pero gusto niyang paghandaan ulit ito ng maliit na pagtitipon sa mansyon bago sila umalis.
"Do not go anywhere, just stay here. Do you understand me, Freiya?" tumango ang babae at ilang saglit pa ay humiwalay ng yakap.
"I won't go anywhere, promise." hindi maalis ni Vien ang labis na pangamba habang nakatitig sa inosenteng babae. Tumingkayad si Freiya at pinatakan ng mabilis na halik ang pisngi nito. "Thank you, Vien."
Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa lumubog na ang araw. Umalis si Vien at pumunta sa syudad para daluhan ang mga meeting na pinaaga niya dahil hindi siya papasok sa mga susunod na araw. Bawat minutong pumapatak ay hindi mawala sa isip niya si Freiya. Patuloy ang pagtawag niya sa mga tauhan na nasa mansyon at paulit ulit na paalala niyang higpitan ang seguridad sa mansyon.
Sa mansyon naman ay mayroon ng pagsasalo. Naroon ang mga katulong at ang iba't ibang putaheng kanilang niluto na inihanda sa malaking garden ng mansyon. Ang nagsilbing bisita ay ang lahat ng tauhan ni Vien, walang sino man na mula sa labas o kakilala man lang dahil wala namang kaibigan si Freiya.
"Freiya, uuwi ba daw ng maaga si ser?" tanong ng Manang Esme habang hinahanda ang damit na suauotin ni Freiya.
"Opo, Manang. Sabi niya aalis din kami pagkatapos ng party ko."
"Huh? Eh saan daw kayo pupunta?" kuryosong tanong ni Nina, isang katulong na nagaalaga rin kay Freiya na kasalukuyang nagaayos sa kanya.
"Sa syudad po." nagulat ang dalawa sa narinig.
"Hala, makakapunta ka ng syudad Freiya! Maganda doon!" excited na sabi ni Nina.
"Oo nga, Nina. Bibili ako ng maraming pasalubong para sa inyo." napangiti si Nina sa sinabi nito.
"Sabi mo yan ah!"
"Oo naman."
Si Manang Esme ay napaisip sa sinabi nito, napansin ni Freiya ang tingin nito sa kawalan kaya naman hinawakan niya ang kamay nito.
"Manang ayos ka lang ba?" tanong ni Nina na nakapansin rin sa bahagyang pagtahimik nito.
"Oo nga, Manang may sakit po ba kayo?" inabot ni Freiya ang noo nito at kinapa. "Hindi naman kayo mainit, may problema po ba?" umiling ang matanda.
"Wala naman, napaisip lang na dalagang dalaga kana talaga anak." sambit nalang niya.
Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Freiya patungkol sa pagalis nila mamayang gabi. Tingin niya ay may nangyari kaya ganon na lamang ang pagpayag ni Vien na dalhin siyang syudad. Ilang taon na ayaw ni Vien na ilayo ito sa mansyon kaya nagtataka siya kung bakit pumayag ito sa pagkakataong ito.
"Akala ko naman ano na, Manang. Pinagaalala mo itong si Freiya." sambit ni Nina.
"Hindi, talaga lang napakaganda mo ngayon Freiya anak." puri nito sa kanya. "Bagay na bagay kayo ni Sir Vien."
"Oo nga, Freiya. Ang ganda ganda mo." inayos ni Nina ang kanyang kilay. "Gustong gusto ko talaga ang mata at kilay mo, napakanatural. Pati ang ilong at labi mo sana ganyan den sakin." natawa lamang si Freiya.
"Ang ganda mo, Nina. Mas gusto ko ang mata mo." umismid lang si Nina at kunwaring umirap.
"Ganyan ba mag comfort ang magaganda?" lalo lamang natawa si Freiya. "Hay, Freiya kung ganyan lang ako kaganda baka may Sir Vien narin ako." pagdaldal pa nito. "Napakagwapo ni Sir Vien, successful at.." napahinto si Nina. "Wala akong maisip na maganda niyang katangian bukod sa malaki magpasweldo--aray! Manang naman, totoo naman eh." reklamo niya habang hinihimas ang brasong pinalo ng matanda.
Natuloy ang paguusap nila at ang pagaayos kat Freiya. Sinuot ni Freiya ang isang sleeveless na dress na medyo hapit sa kanyang katawan. Mahaba ito na abot tuhod dahil tiyak na hindi papayag si Vien kapag maikli ang kanyang suot. Peach ang kulay nito at litaw na litaw ang kurba ng katawan ni Freiya at ang kanyang ganda. Tinitigan ni Freiya ang repleksyon niya sa salamin, tanging iniisip ang reaksyon ni Vien kapag nakita niya ito.
"Para kang anghel, miss." pagbati ng iilang katulong sa kanya.
Ngiti lamang ang ginawad niya sa mga ito. Nang marinig niya ang tunog ng sasakyan sa labas ay agad siyang nagayos ng tayo at pinlantsa sa kamay ang damit. Natanaw niya si Vien na kabababa lamang galing sasakyan. Halos tumalon ang puso niya sa tuwa at galak. Nahagip ni Vien ang titig niya at saglit itong natigilan. Hinagod ng lalaki ng tingin ang katawan nito ata agad siyang nilapitan.
"I told you to start already." ani Vien sa mga katulong.
"K-Kasi ser, hihintayin ka daw ni Miss Freiya." tumango si Freiya.
"Magcelebrate na tayo, gusto ko kasama ka." lihim na nagsingitian ang mga katulong sa narinig.
Pinulupot ni Freiya ang braso niya kay Vien at nginitian ito sabay hila papuntang garden.
"Your dress looks good on you." uminit ang pisngi ng dalaga sa sinabi nito.
"M-Maganda ba ako?" alinlangang tanog nito.
"Even God knows how much beautiful you are, Freiya." lalong sumikip ang dibdib nitonaa di malamang kaba.
"Si God naman yon, ikaw? Anong opinion mo?" tanong nito.
Tinitigan siya nito sa mga mata at hinaplos ang buhok nito.
"I want to lock you up in a tower so no one can see you." marahang sabi ni Vien. "That's how beautiful you are."
--