"Manang, galit po ba sa akin si Vien?" nakalabing tanong ni Freiya kay Manang Esme na kauuwi lamang galing Maynila.
Ito ang nagaalaga sa kanya simula nang tumira siya sa mansyon. Ito ang nagtuturo dito ng mga tamang asal at tamang pagkilos ng isang babae. Ito rin ang guro niya sa iba't ibang asignatura, lalo na sa ingles. Magaling na titser si Esme at simula noon ay dito na siya namalagi sa mansyon upang bantayan ang babae, at ang mga tinuturo niya kay Freiya ay limitado lamang. Ang mga makamundong bagay ay hinding hindi niya itinuturo dito, tama na ang alam niyang tama at mali sa pagkilos. Iyon din kasi ang bilin ni Vien.
"Aba ay oo. Mukhang mainit ang ulo pagkarating ko kaninang madaling araw. Ano ba ang ginawa mong bata ka?"
"Sinubukan ko lang naman po siyang halikan.." mahinang usal nito.
Napahawak sa dibdib ang matanda sa gulat. "Freiya anak, sinabi ko na sa iyong ang halik ay hindi basta basta ginagawa kahit kanino lamang. Dapat ay asawa o kasintahan mo lamang ang hahalikan mo." pangaral niya rito.
"Pero wala po akong kasintahan o asawa. Hindi ba pamilya ko naman si Vien? Bawal bang halikan ang isang pamilya?" lalong nahirapan magpaliwanag ang matanda.
"Aba ay paano at saan mo ba siya hinalikan?"
"Dito po.." sabay turo sa kanyang labi. "Tapos mukhang hindi niya po nagustuhan. Gusto ko lang naman matutong humalik. Sabi sa nabasa kong nobela masarap daw humalik ang tao kapag gusto ka niya. Hindi po ba ako gusto ni Vien?" napatitig siya sa lumungkot na mata nito.
Hinaplos niya ang buhok nito at nginitian. "Mabait si Sir Vien, dapat ay maging mabait ka rin. Gusto ka niya, pero hindi ka dapat basta bastang humahalik. Mabibigla siya kung ganon."
"Ibig sabihin, gusto niya rin ako?" lihim napangiti ang dalaga.
"Sandali, saang libro mo nabasa yan?"
"Isang romance novel po. Kabanata una palang ako." ngiting ngiti na sabi nito.
"Naku! Pinagbabawalan ka magbasa ni Sir Vien ng ganon, kapag nalaman niya ay baka magalit iyon." lumabi naman ang dalaga at kumunot ang noo. "Magbihis ka na at bumaba. Naghihintay na sa iyo si Sir Vien." tumango ito at ngumiti.
Agad naman pumasok sa isip niya ang mga sinabi ng matanda kanina na gusto rin siya ni Vien. Ayon sa nabasa niyang nobela, kapag nakatira kayo sa iisang bahay, kayo ay ganap ng mag asawa. Napahagikhik siya sa sariling konklusyon. Hindi na tuloy siya nakapagbihis at nakapagpalit sa labis na pagmamadali sa pagbaba para makita si Vien.
"Good morning!"
Masayang bati niya kay Vien. Patakbo itong lumapit sa kanya at tumabi sa bakanteng upuan kung nasaan si Vien. Natigilan ito at tumingin sa babae. Pinasadahan niya ito ng tingin at biglang umigting ang panga niya.
"Everyone, leave us alone." utos nito sa mababang boses.
Natigilan si Freiya bigla nang mapagtanto na marami pala ang mga bodyguard na nandoon at halatang may inuutos si Vien sa kanila.
"Uh? Bakit naman?" nagsialisan ang lahat pati ang katulong na nasa palibot ng buong dining area.
Nilingon niya ang babae at nakita nito ang pagtalim ng titig niya. "Bakit ka bumaba ng ganyan ang suot mo?" pagalit na mahinang sabi niya.
Bumaba ang tingin ni Freiya sa suot niya at nagtaka naman ito bigla sa sinabi niya. Nakasuot siya ng isang mahabang t shirt na abot hanggang ibabaw ng kanyang tuhod. Sobrang nipis nito at halos kita ang kanyang panloob. Gulo rin ang kanyang buhok kaya bahagya niya yong sinuklay. "Eto lang kasi nakuha ko kagabi noong naligo ako, tinamad na ako maghanap."
"I know, pero ngayon ko lang bumaba ng ganyan, sa harap pa ng ibang tao." halos tumagos sa kanya ang talim na binigay ni Vien.
I thought everyone here is family. Hindi ba ganon yun?
Ani Freiya sa isipan.
"I don't like that shirt." matamang sabi niya.
"This is your shirt remember?" natigilan siya at nakita kong nag isip saglit. "Last night, you lend me your shirt because we kissed."
"What the hell? It's early in the morning and you're talking about what?"
"Kiss." ulit niya pa. Umigting ang panga ng lalaki at umiwas ng tingin. "Wala ba akong good morning kiss?" nakangusong tanong ng babae na halos magpatigil sa kanya sa pag inom sana ng kape.
Mahina niyang pinitik ang nguso nito. "No kiss for a stubborn woman like you."
"Edi sa iba nalang ako hihingi ng.." natigilan si Freiya nang sumama ang tingin nito sa kanya at halos mapayuko siya sa klase ng titig ni Vien. "Ayaw mo naman ako kiss--hmp!" nanlaki ang mata nito at agad namula sa ginawa ni Vien.
"Now eat." kumurap siya at hindi parin makapaniwala sa ginawa ng lalaki.
Napangiti siya kahit saglit lang ang halik na yon. "Thank you, Vien!" aniya at umupo na sa upuan.
Nilagyan siya ni Vien ng kanin at ulam sa kanyang plato. "You talk like kiss is just some gift huh?" nanguuyam na tanong ng lalaki. Ngumisi lang si Freiya at nagsimulang kumain. "After that, go back to your room and--"
"Rest." pagpapatuloy ng babae.
Iyon lang naman ang role niya sa mansyon. Ang magpahinga at kumain. Pahinga, pumunta sa tabing dagat, maglaro mag isa at kumain. Ngayon pati pagbabasa ng mga nobela ay baka pagbawalan na rin siya ni Vien, lahat ng libro niya sa kwarto ay patungkol sa educational books at mga teorya. Pati panonood ng kahit anong palabas at pakikinig sa radyo kasi ay hindi pwede. Para siyang isang preso, isang prinsesang nakakulong.
Napatingin si Vien kay Freiya. Umigting ang kanyang panga nang makita ang malungkot na mukha nito.
Ngumiti ng malungkot si Freiya para ipakita na ayos lang siya. "Ayos lang, hihintayin kita bumalik." sabi nito at patuloy na kumain.
Kaunti lang ang kinain nito at halos hindi inubos ang pagkaing nasa plato. Pakiramdam niya kasi ay nag iisa siya. Kailangan niya si Vien araw araw pero wala naman ito lagi sa kanyang tabi. Gustong gusto niya ito kasama lagi pero madalas itong wala dahil abala sa trabaho.
"Fine, I'm not gonna work today. What do you want to do?" ang kaninang mukha ni Freiya na parang pinagsaklukban ng langit ay biglang lumiwanag sa saya.
"Camping! Tapos huli tayo ng isda. Pwede ba?" saglit na nag isip si Vien bago tumango.
"Alright. We'll do that."
"Yehey!" masigla siyang kumain at inubos ang pagkain.
Pagkatapos ay pumunta silang dalawa sa may sapa kung saan sakop ng malaking kalupaan ng mga Del Condre, ang pag mamay ari ng lupa pamilya ni Vien na ngayon ay nakapangalan na sa kanya sa isla ng Camiguin.
Nakasuot si Freiya ng isang puting mahabang bistida habang nakasuot ng two piece sa panloob. Gusto niyang maligo sa katabing maliit na sapa ng kanilang kukunan ng isda. Dikit ang dalawang sapa na yon, isang malaki at isang maliit, sa maliit na sapa ay napakainit ng tubig ngunit kabaligtaran naman sa kabila.
"Vien! Pwede ako maligo?"
"No." diretsong sagot nito.
Lumabi ang babae at lumapit sa kanya. Kasalukuyan silang nasa tungtong ng isang malaking bato na pumapagitan sa hot spring at sa sapa. Nakasuot ng isang short si Vien at isang sando lamang. Napaisip ang babae kung wala nga ba talaga itong balak maligo.
"Bakit naman? Dito lang naman ako sa mababaw eh." sabay turo sa sapang mainit.
Luminga si Vien sa paligid. Kahit pa wala ang mga tauhan niya ay ayaw niyang naliligo ito sa isang pampublikong lugar. Hindi niya sigurado kung wala nga ba talagang tao o kahit anong uri ng nilalang. Oo at ganon kalalim ang iniisip ni Vien, lahat yata ng kakaibang ideya ay pumapasok sa kanya pagdating sa babae. Gusto niyang maging strikto dito para hindi mapahamak.
"Akala ko ba gusto mo manghuli ng isda?" ngumisi lang ang babae sabay lusong sa sapang mainit.
Napasigaw ito sa init ng tubig na tamang tama lang sa katawan. "Ang init dito Vien, ligo tayo dali!"
Lalong nagsalubong ang dalawang kilay ni Vien at walang pasabing sumulong sa tubig. Halos umalon ang tubig sa pagbaba nito. Naghubad ng sando si Vien at lumapit sa babae. "Why are you so stubborn? You're not listening to me anymore."
Kinagat niya ang labi niya at pinigilan ang pagngiti sa reaksyon ni Vien. Dumako ang mata niya sa napakakisig na katawan nito at hubog na hubog na pagkamaskulado. Pinamulahan siya doon at bahagyang nag iwas ng tingin.
"P-Pwede ko bang hubarin din ang damit ko? Maliligo naman tayo eh."
"Bawal. Baka magkasakit ka pa." matigas na sagot ni Vien at pinasadahan ito ng tingin. Napapikit siya ng mariin nang makitang bakat na bakat ang panloob nito sa puti nitong bestida.
"Mainit naman eh, dito muna tayo kahit five minutes?" nakangiting pagsusumamo nito.
Wala ng nagawa si Vien kung hindi sa hiling ng isang anghel sa kanyang harap. Wala siyang magawa lalo na at kahinaan niya ang babae lalo na kapag nagmamakaawa. Huminga siya ng malalim at tumabi dito.
Dinampian niya ito ng isang mabilis na halik sa pisngi. "Thank you, Vien."
Inabot sila ng hapon sa sapa. Pagkatapos maligo ay nanghuli sila ng mga isda. Inabot sila ng mga hapon bago nakahuli ng iilang isda. Balot na balot siya ng tuwalya at ng roba, at kahit ayaw niya sa suot na iyon dahil bahagyang mainit ay hindi na siya nagreklamo. Mas ayos ng hindi mapagalitan ni Vien.
"Andami nating nahuli!" masayang sambit nito habang dala dala ni Vien ang timba ng mga nahuli nilang isda.
"What are going to do about this?" saglit na nagisip ang babae.
"Alagaan natin. Lagay natin sa aquarium." bumagsak ang dalawang balikat ni Vien at umiling.
"Hindi ito nilalagay sa aquarium. Kinakain to, Freiya."
"Okay. Edi kainin natin. Turuan mo naman ako magluto." masayang sambit nito.
"Alright."
Habang nasa kusina sila at nagluluto ay panay kwento si Freiya ng patungkol sa mga nababasa niya at ganon na lamang ang palihim na tawa ni Vien sa mga kakaibang teorya ng babae.
"So saan pala nagmula ang nga aliens?" nakangising tanong ni Vien.
"Sa ibang planeta! Sabi pa doon sa nabasa ko kakaiba daw ang itsura nila. Sa buwan din daw may aliens. Sa araw kaya meron?" humalakhak si Vien at umiling iling. "Bakit ka natatawa.."
"Nothing. Go on, tell me more about your readings." parang naaaliw na sambit nito.
"Hmm. Vien, nagbasa kasi ako ng isang nobela." panimula niya.
"Uh-huh? And what kind of novel?"
"Romantic novel." sagot nito sa maliit na boses. Nang hindi ito sumagot ay nagpatuloy siya. "Sabi doon, kapag ang magkasama nakatira sa isang bahay.. mag asawa daw ang tawag doon." nakita niyang natigilan ng bahagya si Vien.
"At anong gusto mong sabihin?" bahagya siyang lumapit dito.
"Vien, pwede na ba akong mag asawa?" ganon na lamang ang pagbabago ng ekspresyon nito at matalim siyang tiningnan na halos ikagulat niya. "K-Kasi diba, pamilya kita? Kaya hindi kita pwedeng maging asawa.." nakayukong sambit nito.
"At sino nagsabi na hindi pwede?" unti unting lumiwanag ang mukha nito.
"Kung ganon pwede tayong maging mag asawa?!" binalik ni Vien ang tingin sa ginagawang pagpiprito sa isda.
"Kapag nalaman mo ang lahat ay hinding hindi mo mahihiling sa akin yan." kumunot ang noo ng babae at magtatanong palang sana nang inabutan niya ito ng isang sipit sa pagluluto. "Akala ko ba gusto mo matutong magluto? Hindi mo naman pinanood lahat ng ginawa ko."
"H-Hindi ah!" sabay hablot ng pangsipit.
Inabot ni Vien ang isdang nilagyan niya ng harina. "Ilagay mo na." utos nito.
Nakapikit namang nilagay ni Freiya ang isda at agad nagtago sa likod ni Vien nang halos umingay ang tunog nito at takot siyang tumalsik ag mantika sa kanya. Madalas kasi niyang makita ang ibang kasambahay na tinatalsikan ng mantika. Takot siy sa tunog nito habang nagpiprito.
"How can you learn if you keep hiding like that?" halatang natatawang sambit ni Vien.
Nakayuko naman humarap sa kanya ang dalaga at ngumuso. "Baka mapaso ako eh.."
Pinasadahan niya ito ng tingin at tumango. "Oo nga, hindi ka dapat mapaso. Ako na ang magluluto." sumimangot ito.
"Gusto mo ba sa mga marunong magluto?"
"Yes, of course." nalungkot ang babae.
"Edi hindi mo ako gusto.." mahinang usal nito.
"If you don't know how to cook then it's fine." lumapit siya sa kawali at binaliktad ang pritong isda. "I still like you anyway." mahinang usal ng lalaki, sapat na para marinig ni Freiya.
May kakaibang bumalot na saya sa kanyang puso at parang lalong nagutom sa biglang paggulo ng kanyang sikmura. Lihim siyang napangiti.
--