Kabanata 1

1490 Words
Sa isang napakalaking mansyon, nakatira ang isang napakagandang babae. Si Freiya ay isang inoenteng nilalang na lumaki dito, hindi man lang siya nakasubok makarating sa iba't ibang lugar kung hindi sa labas lamang ng mansyon, sa dalampasigan at kakahuyan. Iyon lamang ang tanawing nakikita niya sa loob ng mga nagdaang taon. "Vien? Kailan mo ba ako iaalis dito?" nakangusong tanong ni Freiya. Mahaba ang buhok nito, maliit ang mga mata, mapula pulang labi at may napakaputing balat. Napaka natural ang ganda nito. "Ayaw mo na ba dito?" napalabi lalo ang babae sa sagot ng lalaki. "Hindi sa ganon. Gusto ko kasi makarating sa isang syudad, yung mga nakikita ko sa mga litrato. Yung may malalaking building tapos may mga nag gagandahang ilaw." kumikinang ang mata nito bawat salita niya "Its a dangerous place." "Poprotektahan mo naman ako hindi ba?" nakangiti nitong tanong. Umiwas ng tingin si Vien at humarap sa bintana ng kanyang kwarto. Nanatili itong tahimik at hindi nagsalita. "Bakit ka natahimik?" nakangusong tanong ng babae "Maingay ka kasi." "Hindi kaya." pairap itong naglakad papalapit sa kanya "Oo nga pala! Turuan mo naman akong magluto. Sabi ni Cyrus importante daw na matutunan ko iyon." napaharap ang lalaki sa kanya nang iritado ang istura. "Bakit?" "Nitong mga nakaraang araw isang pangalan lang ang bukambibig mo. Bukas na bukas ayokong babanggitin mo ang Cyrus nayan. Naiintindihan mo?" tuloy tuloy nitong sabi bago tumalikod. "Makinig ka sakin kung ayaw mo siyang mawalan ng trabaho." "Ganun? Ano bang trabaho niya?" takang tanong niya pero hindi na ito sinagot at tumalikod. Lumapit si Freiya sa isang table at napatingin sa isang baril. Dinampot niya ito at sinuri. "Vien! Ano to?" dahil doon hinarap siya ng lalaki at agad nag apoy ang mga mata nito. "What the hell? Put that down. Now." nagtataka siya sa inasal nito hindi niya pinakinggan ang sinabi nito at nahagip ng mata nya ang gatilyo ng baril. Mabilis na lumakad si Vien at hinablot ang baril. "When I say put it down, put it down." napalunok siya sa reaksyon nito galit ang mga mata nito. Nangilid ang mga luha niya at yumuko. "S-Sorry gusto ko lang naman malaman k-kung ano yan." paniguradong hindi siya nito papansinin nang ilang araw. "Pumasok ka na sa kwarto mo, aalis nako." hinablot nito ang coat na nakasabit sa upuan at agad itinago ang baril sa bulsa. Walang imik siyang umalis at tanging ulan lang sa labas ang naririnig na ingay ng dalaga. "Galit na naman siya.." malungkot na sambit nito bago pumasok ng kwarto. Ganito lagi ang eksena nilang dalawa. Kung hindi galit ay inis ang lalaki sa kanyang mga kilos, pero madalas naman ay kalmado ito at halata ang laging pag aalala sa kanya. Kahit ganon si Vien ay mahal na mahal niya ito. Kinagabihan ay pinanood ni Freiya ang mga alon sa dagat na sumasayaw sabay sa lakas ng hangin. Gabi na at napakalamig pero nasa labas parin siya ng mansyon. Hinihintay niyang dumating si Vien. Sana ay hindi na ito galit. Naramdaman niya ang biglang paginit ng katawan dahil sa isang balabal na pinatong sa kanya. Inangat niya ang tingin at nangningning ang mata nang makita si Vien. "Vien!" masayang tawag niya dito. Hinila niya ito sa kanyang tabi. "What are you doing here?" "Hinihintay kita." sagot nito. "Lagi kaya kita hinihintay." nakangiting sabi niya. "Hindi ka na galit?" "I'm sorry about earlier." matamang sabi nito. "Okay lang. Sorry din." "Did I scare you?" nahihiyang tumango ang babae. "I'm sorry." "Ano ba kasi ang bagay na yon?" tumingin sa dagat ang lalaki at nagsalita. "It's a gun, it can kill someone." napasinghap ang babae sa gulat. "So don't ever touch it again, I don't want you to get hurt." napawi ang gulat ng babae at unti unting napalitan ng saya. Lalo tuloy siyang humanga sa lalaki, sa bawat araw na dumadaan. "Vien, pwede ba sa birthday ko pumunta naman tayo sa ibang lugar? Lagi nalang ako nasa bahay." nilingon siya nito. "Hindi tayo pwedeng umalis." nalungkot bigla ang babae. "Bakit naman?" "Basta." agad nalungkot si Freiya sa laging sagot nito sa kanya. "Gusto kong makapunta ng syudad." nakalabing sagot niya. "Ano ba ang gusto mong makita doon?" tanong ni Vien. "Mga buildings. Gusto ko yung totoo naman, palagi nalang mga laruan ang dinadala mo. Hindi na kaya ako bata." humiwalay si Freiya kay Vien at hinarap ito. "Dali na. Hmm?" hinaplos nito ang braso niya. Napatingin si Vien sa ginawa nito. Tinitigan niya ang babae. Ang malamlam nitong mga mata ay nakikiusap sa kanya. Tinitigan niya ang buong mukha nito. Hindi na nga ito bata. Hindi lang man niya namalayan na ang dating sampong taon na batang babae ay lumaki bilang isang  napakagandang dilag. Lalo siyang nakaramdam ng pagnanais na hindi ito maalis sa kanyang tabi.  "How old are you again?" biglaang tanong niya. "Twenty one." nakangiting sagot ni Freiya. "Palagi ka kasing wala dito, kaya hindi mo na maalala ang edad ko." sabi nito na may pagtatampo sa boses. Hindi ininda ni Vien iyon dahil ayaw niyang magpadala sa babae. "Tell me your wish, except for leaving this place." bumuntong hininga si Freiya. "Yun lang naman ang wish ko." umigting ang panga ni Vien at hindi napigilan ang inis na naramdaman. "Gusto mong iwan ako?" galit pero mahinang tanong nito. "Hindi! Vien, hindi ko magagawa yon." mabilis na sagot ng babae. Niyakap niya ito at nagsalita. "Hindi ko na ulit babanggitin yon. Sorry." huminga ng malalim si Vien at kinalma ang sarili. Hinding hindi niya papayagang umalis ang babae, responsibilidad niya ito hangga't nabubuhay siya. Iyon ang bayad niya dito sa pagpatay ng kanyang ama sa pamilya ni Freiya. Pumasok sila sa bahay at naghapunan. Matapos nila ay pumasok si Vien sa kanyang opisina. Hindi na muli pang binanggit ni Freiya ang tungkol sa bagay na yon, ayaw niyang magalit ulit si Vien. Si Vien ay isang kilalang magaling na negosyante, isang maimpluwensyang business tycoon na nagmamay ari ng mga kompanya sa NCR at pati na sa Mindanao. Lahat ng kanyang katunggali ay nagagawa niyang pabagsakin. Kayang kaya niyang ibagsak ang isang matayog na kompanya kung nanaisin niya. Sa edad bente singko napakalaki na ng impluwensya niya sa mundo ng negosyo. "Vien let's kiss." halos masamid sa pag inom ng tubig ang lalaki. Kakatapos lang nila kumain at nasa opisina si Vien na agad naman sinundan ni Freiya. Pumupungay ang mata ng babae habang nakatingin sa kanya at nakangiti. "Saan mo naman natutunan ang ganyan?" dumilim ang ekspresyon nito at nagtiim ng bagang. Ngumuso ang babae bago sumagot. "Sa libro. Masaya daw yun. Masarap ka ba humalik?" nilapit ni Freiya ang kanyang mukha para marinig ng mabuti ang isasagot ng lalaki. "Kissing isn't some kind of activity. Stop reading those kinds of books." dismayadong bumuntong hininga si Freiya at lumayo ng bahagya kay Vien. "Kung ano ano ang pinapabasa sayo ng mga katulong." Sumimangot ang babae ng bahagya dahil totoo namang bigay ito ng isang katulong sa kanya. "Gusto ko ng kiss." nakalabing bulong nito. "Kanino kaya ako pwede magpaturo--" "Don't you dare." matigas at may diin na putol nito sa sinasabi ng babae. Muling lumapit si Freiya at yumakap kay Vien mula sa likod nito. Kasalukuyang siyang nasa sofa katabi ang lalaki sa loob ng opisina nito "Then kiss me. Please?" pagmamakaawa nito. Sa loob ng ilang taon niyang kasama ang babae ngayon lamang ito humiling ng ganito. Hangga't maaari ayaw na ayaw niyang mapasok sa ganitong usapan lalo na't alam niyang kinakain ito ng kuryosidad sa bawat araw na dadaan. "No." pinal na sabi nito at akmang aalis. "Isa lang. Pleaseee. Promise di nako magwiwish ng kahit ano sa birthday ko." tinaas pa nito ang kamay nito at lumingkis sa kanyang braso. "Dali na. Hmm?" "You just can't--" agad hinila ni Freiya ang kanyang kwelyo at hinalikan ito. Namilog ang mata ni Vien at hindi agad nakagalaw. Bahagya rin siyang napahiga dahil sa biglang ginawa ng babae. Agad nagulo ang buong sistema niya sa halik nito. Lalo na ng gumalaw ang labi ng babae na para bang hindi ito ang una niyang beses humalik. Sa init na naramdaman ay hinawakan niya ang bewang nito at pinaibabawan ng hindi pinuputol ang halik. Ang malaki at malambot na sofa ay kasya para sa kanilang dalawa. Ibinalik ni Vien ang halik sa mas malalim at mas mainit na paraan. Ramdam niya ang pagnanasa na pinapakawalan sa pagpipigil sa sarili ng ilang taon. Nagulat naman si Freiya at gulat na gulat sa ginagawa ni Vien na kasalukuyang nasa ibabae niya. Hindi niya inaasahan ang mabilis na kilos nito, pero hinahayaan niya lang ito dahil gusto nyang malaman ang susunod na mangyayari. Halos mapaungol siya sa kakaibang naramdaman at umaapaw na emosyon. Iba ang epekto sa kanya ng ginagawa ni Vien at gusto niya pang ituloy ito. Natigil ang lahat ng kanyang pantasya ng humiwalay sa kanya si Vien. "Fuck." habol ang hininga ng lalaki halos mag apoy ang mga mata nito, hindi sa galit kundi sa pagnanasa. "Let's stop, alright?" halos uminit pa lalo si Freiya sa klase ng pagbulong nito. Mabilis itong umalis sa ibabaw niya. "G-Gusto ko pa." pigil niya kay Vien na akmang aalis. Pinilig ni Vien ang kanyang ulo. Hirap na hirap sa kasalukuyang sitwasyon. "No. I didn't take care of you for years to do this." sabi nito at umalis. Naiwan ang babaeng bitin at malungkot. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD