PINAGMASDAN ko kung paano dahan-dahang pakalat na lumalapad ang dugo sa simentadong ground. Dead on the spot agad ang soldier. Bumigat ang pag-hinga ko habang nadidilim ang aking paningin. Ilang beses na akong nakakakita ng dugo pero parang nakakabaliktad pa rin ng sikmura. Nakakabingi ang katahimikan. Wala akong naririnig na kahit anong bulungan sa paligid o kung ano mang tunog na galing sa isang tao. Hinrap ko sila. Bumuga pa ako ng marahas na hininga sa bunganga. Iniwasan ko munang hagipan ng tingin si Kruger dahil parang binuhusan s’ya ng malamig na tubig sa kinatatayuan at hindi gumagalaw. “Makinig kayo. Alam kong may umaaligid na traidor dito. Kung nakikinig ka… hindi namin kayo mapapatawad sa pag patay kay Athalie na walang pahintulot sa boss. Pinatay n’yo s’ya para mapatahimi