DUMATING na ang inspector at detective kasama sina Gideo at Gadreel. Nawawala ang special remote ni Gideo. Binigay pala iyon sa kan’ya ni Kruger. Pinagbigay alam din namin ang aming nalaman sa krimen at tama ang aming mga speculations. Tumugma ang mga hula namin ni Kruger sa separate investigation ng inspector at detective. Kinunan muna ng litrato ang crime scene bago ipinadala si Athalie sa morge. I want to hug her cold body pero uunahin ko muna ang dapat asikasuhin. “My men were already searching for the lost special remote.” Tumango ang inspector. “Kumukuha na rin ng mga iba’t ibang pahayag ang mga detective sa mga taong nandito sa hospital during the crime. We still have no idea what was the suspect’s motive.” Nandito pa rin kami sa loob ng kuwarto ni Athalie. Naka-upo kami sa m