ANGHELINA NAGISING na lang ang diwa ko na’ng may naririnig akong ingay. Hindi ko muna minulat ang mga mata ko pero ang una kong napansin, parang naka-dapa yata ako sa isang malambot na kutson. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at una kong naaninagan ang head board ng hospital bed. Med’yo hindi pa mas’yadong malinaw ang paningin ko. I tried to move any muscle. Ngumiwi agad ako na’ng naramdaman ko ang nananalaytay na kirot at ngalay mula sa aking likod. “Are you awake, Miss Anghelina?” Boses iyon ni Josh. Isa sa mga soldiers. “G-Gusto kong umupo. Tulungan n’yo ako,” mahinang usal ko na agad naman nila akong sinunod. Maingat akong pinaupo ni Josh at Dominik. Humarap ako para makita silang lahat. Ang dami palang mga soldiers na naka-upo at naka-tayo sa sa loob ng kuwarto ng ‘to.