“HINDI KA BA NAGBIBIRO, DOKTOR?!” Halos tatakpan ko ang aking mga tainga sa malakas na sigaw na ‘yan ni Lolo Dario. Na’ng iniwan ako ni Kruger sa k’wartong ‘to, pumasok naman agad si Mister Darwin para mabigyan ako ng guide dahil nagdadalang tao na ako. Lumipas lang ang ilang minuto, Don Dario has arrived to check on me again. At s’yempre, ang pagbubuntis ko ang pinakahihintay ng lahat kaya pinagbigay alam na agad ng doctor. Doon na nagsisigaw si Don Dario at talagang tumalon-talon pa talaga sa tuwa. “Yes, Godfather. Isang linggo na’ng buntis si Miss Anghelina,” natatawang tugon ni Mister Darwin at bahagyang napa-atras dahil hinawakan na ni Don Dario ang kan’yang kuwelyo. Niyugyog n’ya pa iyon ng paulit-ulit. “NARINIG N’YO BA ‘YON?! BUNTIS NA SI ANGHELINA!” waragwag n’ya pa. Doon na