HINDI ko muna talaga kinain ang green apples na kakabalat lang ni Lari. Hihintayin ko muna ang asin para malasap ko ang lasa na hinahanap-hanap ko. Ang weird nga ‘eh. Hindi ko naman sinasamahan ng asin ang kinakain kong apples. Ngayon pa lang talaga. I am salivating. Gustong-gusto kong lagyan ng asin. “I will slice these apples.” Habang wala pa si Brown, hinarap ko muna si Lari habang pumapagitna sa amin ang rectangular shaped table. Pinagmasdan ko na muna s’yang hinihiwa ang tatlong mansanas into small pieces. “Naglilihi ka po yata, Miss Anghelina,” marahang usal n’ya sa ‘kin habang naka-tutok sa ginagawa n’ya. “Parang ganu’n na nga. Sana may sea salt dito— ‘yong crystalized salt na binibili lang na tig sasampu sa palengke?” Tinanguan ako ni Lari. “’Yan kasi ang ginagamit namin noon