SAMANTHA CORTEZ Point of View Papunta ako sa office ni Brian upang magpaalam na pupunta ako sa site ng Bantayan Project. Tinawagan kasi ako ni Uncle Raymond na bibisita siya doon.Gusto kong personal ko itong makita at makausap. "Hi, Ailene." Bati ko sa sekretarya ni Brian. "Busy ba boss mo?" tanong ko. "Hindi naman po gaano, Ma'am. Pasok na po kayo." Dumiretso na ako papasok pagkatapos akong makakuha ng permiso kay Aileen. Kahit naman na asawa ako ni Brian, pagdating sa opisina inilulugar ko pa rin ang aking sarili. "Hello, dhielove." Masayang bati ko kay Brian. "Mhie, bakit umakyat ka pa dito? Dapat itinawag mo na lang kung ano ang kailangan mo." Sinalubong ako ni Brian at inalalayan ako. Malaki na kasi ang tiyan ko. Turning to six months na ang baby namin ni Brian at excited na k

