BRIAN LOPEZ Point of View Napanatag na ako nang sabihin ng doktor na maayos na si lola. Nahimatay ito dahil sa stress at dahil na rin sa katandaan. Nakita ko kung gaano mag-alala si lolo kay lola. Parang walang tao sa paligid nila bukod sa kanilang dalawa. Uncle wants to provoke Samantha, at may hidden meaning ito sa mga sinasabi niya about my wife. Nirerespeto ko pa rin siya dahil isa ko siyang pamilya pero hindi ko hahayaan na bastusin niya ang asawa ko sa harap namin. Ayaw ko na rin gumawa ng gulo dahil iniisip ko si Samantha. Buntis ito at hindi maganda kung bibigyan ko pa ito ng aalalahanin. Mas magandang iwasan na lang ang mga toxic na tao kaysa patulan mo. Tama nga siguro ang sinasabi ni Samantha na may kakaibang closeness si Uncle Demitteo and Tito Damian. Napaisip rin ako kung

