SAMANTHA CORTEZ Point of View Everything was so perfect and smooth. Ano pa nga ba ang mahihiling mo sa isang pamilya na puno ng pagmamahal at kasiyahan? Makukuntento ka na sa lahat ng bagay na mayroon ka basta't kasama mo ang iyong mahal sa buhay pero hindi na ngayon. "Ako, si Brian at ang magiging anak namin. Magkakaroon din ba kami ng masayang pamilya tulad ng pamilya namin noon?" Tinatanong ko ang aking sarili. May mga panahon na hindi ko na alam ang aking gagawin at sumuko na lang pero tuwing gabi na napapanaginipan ko si daddy, nagkakaroon ako ng determinasyon sa aking sarili. Nakatingin ako sa bughaw na kalangitan habang binabalikan ang nakaraan at iniisip kung paano haharapin ang bukas. Nakaupo ako sa bench sa may hardin ng hacienda. Madalas ko itong ginagawa para sa aming dalaw

