(JANNA SANTOS' POINT OF VIEW) AGAD akong bumaba ng sasakyan nakita ko kung paano magkunot ang noo ni Liquid ng makita niya akong kasama si Ice. "Pumasok ka na sa loob, Janna." Ma-awtoridad niyang utos. Tumingin ako kay Ice na seryoso ang mukha. Nakapoker face s'ya pero seryoso ang mukha halatang naiinis na siya Agad akong tumingin kay Ice. "Sige Ice, Thank you. Kita na lang tayo ulit pag dadalawin ko si Timothy," sabi ko at hinila ko si Liquid papasok sa loob ng unit niya. "Bakit mo ba ako hinihila ha?" tanong niya sa akin. "Para ka kasing maghahamon ng away, Liquid." Sagot ko sa kaniya at napabuntong hininga ako. Akala ko kasi mag-aaway talaga sila ni Ice dahil sa tinginan nilang dalawa. Hinalikan ko siya sa labi niya para ipaalala na wala siyang dapat ipagpaalala at mabawasan ang kun