(JANNA SANTOS' POINT OF VIEW) "JANNA, pakikuha naman yung script ko sa bag oh," pakiusap sa akin ni Liquid. Agad akong natigil sa pag-iisip ko ng malalim. Paano ba naman kasi iniisip ko yung sinabi ni Timothy sa akin, Di kaya tinuruan ni Ice ang bata? "Ito na!" Sabi ko sabay abot ng script niya na nakatago sa kaniyang bag. "Liquid pwede ba akong pumunta kay Janine mamaya. Mag-uusap lang kami nila Elle," paalam ko sa kaniya. Tumingin lang siya sa akin. "Janna hindi mo na kailangang magpaalam sa akin," sabi niya sa akin sabay tawa ng mahina. "Wala lang gusto ko kasi alam ng boyfriend ko kung nasaan ako," sagot ko sa kaniya. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi niya. "Pag-uusapan n'yo ba yung outing?" He asked me. Tumango ako sa kanila. "I have no choice but to go. Ako kasi yung kilal