Hera: Umiiyak siya. Ngayon ko lang nasaksihan ang pag iyak ng demonyo. Napatigil ako. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakayakap mismo saking tiyan. Lumingon ako ng kaunti dito. Tumigil siya sa pag iyak at seryosong tumingin sakin. "Mahal kita." Bitaw niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Napakabilis ng mga pangyayare. "Gusto ko akin ka. Ipapapatay ko si Pareda." Huminto ito at may naisip bago muling nagsalita. "Mali, papatayin ko si Zyron Pareda!" May gigil ang bawat katagang yon. Napalunok ako sa madilim niyang awra. Ang lalaking to. Bakit ganito? Bakit unti-unti'y parang hinihigop niya ako upang tuluyang mahulog sakanya. Pinunasan niya ang ilang butil ng luha sa gilid ng aking mga mata. Kasabay no'y hinalikan niya ako sa noo pababa saking labi. Magulo man ang isip ko'y bakit hindi