Isang lalaki ang nasa loob mismo ng itim at mamahaling sasakyan. Nakasalamin ito at nakasuot ng magarang tuxe habang may pinagmamasdan. Himithit muna ito ng mamahalin niyang sigarilyo at saka ibinuga sa kasamang tauhan. "Barbara." Bigkas nito habang taimtim na nakatitig sa dalagitang naka itim na sumbrero at natatakpan ang kalahati ng mukha. Natatakpan dahil sa isang malaking pilat sanhi ng trahedya. Sumenyas ito sakanyang tauhan upang lumabas ng sasakyan at sunduin ang babaeng kanina pa naghihintay sa gilid ng kalsada. Nakayuko lamang ito at nagmamasid masid sakanyang paligid. Mabilis na tumungo ang tauhan nito sa babaeng hindi mapakali. Pagkalapit ay sinenyasan lamang ito ng tauhan upang pumasok na sa itim at mamahaling sasakyan. Basang basa na ang dalawa dahil sa lakas mismo ng ulan