Hera: Kulay puting kisame ang bumungad sakin ng idilat ko ang aking mga mata. "Hmmm." Ungol ko ng makaramdam ng kaunting sakit. Napahawak ako saking mukha at nakabenda ito. Lumingon ako sa paligid para ialala kung ano ba ang nangyare. Ngayon ang araw ng operasiyon ko at tinurukan ako ng pampatulog. Nagising na lamang ako na may benda na ang aking mukha. Napalingon ako sa gawing kanan at nakita ko si Connor na mahimbing na natutulog. Bakas dito ang pagod at tila hindi makatulog ng maayos dahil sa itim nito sa ilalim ng kanyang mga mata. Kailangan kong mag banyo kaya dahan dahan naman akong tumayo ng hindi sinasadyang patanggal ang swero ko. "Aray!" Daing ko at kumalat ang kaunting dugo na nang-gagaling saking kamay. Napabalikwas naman si Connor ng tayo sa pagkagulat. "Hera!" Dali dal