[Flashback] Hera: "S-sino ka?" Nakaupo ako ngayon sa gilid ng higaan ni Inay. Hawak hawak ko ang kanyang kamay na maputla. Nanghihina ito ng labis ngunit bakas parin ang pagkagulat sakanyang mga mata. Umuwi ako saglit ng probinsiya bago ako tumuloy sa misyon ko. Nakasuot ako ng makapal na kulay itim na jacket at pantalon. Nakashades ako para takpan ang pasa ko sa gilid ng aking mga mata dala ng pananakit sakin ng mga tauhan ni Mr. Bustado. "Nay, hindi niyo na po ba ako nakikilala?" Pumatak agad ang aking mga luha. Pigil ang aking emosiyon dahil nasa likuran ko lamang si Farra at ang ilan sa mga tauhan ni Ms. Bustado. "H-Hera? Hera anak ikaw ba yan?" Tanong sakin ni Inay at pilit na inaabot ang aking mukha kaya namay kusa na akong yumuko at di