Hera: Mag papahinga na sana ako ng kumalabog ng malakas ang pinto. "Hera! Buksan mo to!" Nandito si Connor. Nagwawala siya sa labas ng silid. Bigla naman akong nakaramdam ng takot. Takot na baka kung anong gawin sakin ng lalaking to. "Wag mong antaying ako pa ang sumira sa pintuan na to." Sabi nito sa malalim na boses. Kinalabog nito ng kinalabog ang pinto ng pagkalakas lakas. Umiecho na nga sa buong mansion ito dahil sa lakas ng kanyang pag hampas. "Hera! Buksan mo!" "A-ayoko." Napakagat labi ako. Bakit ko naman siya pag bubuksan? Sa tono palang ng boses nito'y halatang nakainom na. Isa pa rumirihistro sa utak ko ang mala demonyo nitong awra na siyang kinatatakutan ng lahat. "Hera sabi ko buksan mo! Bakit ayaw mo akong papasukin? Bahay ko to!" Utos niya sakin. Napayakap ako saki