Tinitigan ko lang ito habang natutulog sa sahig. Pano ko ba bubuhatin to? Ang laki niyang tao. Tumayo na ako at hinila yung kamay niya. "Hmmmm" Sabi nito. Binitawan ko agad dahil ayoko namang magising to. Nakakatakot pa naman pag nagising ang demonyo. Alam ko na tawagin ko nalang kaya si Dazon ang assassin ni Connor. Tatayo pa lamang ako ng magulat ako sa lalaking nakasandal lamang sa gilid ng sirang pintuan. Tahimik ang awra nito. Palaging seryoso. Ayaw magsalita hanggat hindi kailangan. Napaka misteryoso. Walang iba kundi ang assassin ni Connor si Dazon. Naka krus ang kanyang dalawang braso na seryosong nanonood samin. "K-Kanina kapa diyan?" Tanong ko. "Kararating ko lang." Walang emosiyong sabi nito na kakikitaan mo ng blankong mukha habang papalapit sa amo niyang si Connor