Hawak hawak ko lang si Mingming, yun ang ipinangalan ko sa pusa. Babae ito kaya babagay sakanya ang pangalang yon. Napansin kong gustong gusto niyang lumapit kay Connor ngayon. Ngayon na nakaupo kami malapit sa demonyo. Nakakunot lamang ang noo ni Connor habang nakikipag titigan sa pusa. Nagwawagay-way naman sa tuwa ang buntot ni Mingming sa demonyo. "Connor ayaw mo bang buhatin?" Hindi ko na mapigilang tanong. Simula kasi kahapon ng ampunin ko to'y hindi na nakakalapit sakin si Connor. Naging mas okay pa nga yon kesa naman maulit yung gabing pinipilit niya ang gusto niya. Ang mahalin ko siya. "Tsk ilayo mo sakin yan." Nakasimangot na sabi ni Connor. "Meow." Sagot ng pusa at hindi ko na muling napigilan ang pagtawa ko. "Anong nakakatawa Hera?" Iritable nanamang saad nito. Kung totoo