Natulala ako sa sarili ko habang nakatitig lamang sa salamin. Hubad parin ako. Ano bang ginawa ko? Nagising ako ng may kumatok ng malakas. "Hera? Buksan mo to." Gising na si Connor. Namula nanaman ako at dali daling kinuha ang puting tuwalya at ipinulupot sa katawan ko. Patuloy parin sa paghampas si Connor sa pinto na parang gigibain talaga niya. "Buksan mo to." Inis na sabi nito. "Sandali." Sabi ko tsaka kumuha ng malalim na pag hinga. Ipang minuto pa ang lumipas. Kinakalampag parin nito ang pinto. "Ano ba bubuksan mo to o sisirain ko to?" Ayan nanaman siya sa pagkamaintin ng ulo niya. "Oo eto na." Agarang sagot ko at pinihit ang door knob. Kaagad naman niyang tinulak ito at tuluyan ng bumukas. "Bakit ba ang tagal mong buksan?" Kunot noong tanong nito sakin. Napatingin muli ako sa