HERA: "OH OW ano namang nakain no'n at kay aga aga nagsisisigaw?" "Hayaan mo siya." Sagot ko kay Irine at naupo. Tumayo naman si Dazon at umakyat ng hagdan. Ang mga katulong ay nagsilabasan nang magsimula ng mag wala si Connor. Bahala siyang mag wala mas naiinis lang ako sa kanya. "Hera girl mag salita ka nga anong nangyare sa pinsan ko? Tignan mo sinasaniban nanaman ni Satanas." Hindi pa ako nag sasalita nang bigla namang dating ni Victor ang tauhan ni Connor. "M-mam I-rine si boss?" Nauutal pa rin ito walang pinag bago. "Hay nako Victor tigilan mo muna ako. Ituwid mo muna 'yang dila mo bago mo ako kausapin. Ako itong nahihirapan sa'yo e." Napakamot ulo naman si Victor nang bumaba na ang nakasimangot na si Connor kasunod si Dazon. "Umalis ka sa harapan ko Victor baka mapatay kita ng