THIRD PERSON'S POV: PUTING KISAME ang bumungad kay Connor nang siya'y magkamalay. "Hera? Asan si Hera?" Iyon agad ang lumabas sa kanyang bibig habang ang mga nurse ay pinapaklma ito dahil baka mag dugo ang sugat n'ya. "Mr. Scott huminahon po kayo baka magdugo ang sugat n'yo." Sabi ng isa sa mga nurse. "Wala akong pakialam! Bring me to my wife!" Sigaw nito na s'yang kinatakot ng mga nurse at nataranta nang s'ya ay tumayo. Pabalang n'yang hinugot ang dextrose sa kanyang kamay at tumalsik pa ang kaunting dugo sa puting bedsheet. "Get out!" Hawi n'ya sa mga nurse na nakaharang sa kanyang da-daanan. Nang papalapit na ito sa pinto ay bigla na lamang bumukas iyon at ang pinsan n'yang si Irine ang pumasok. Bakas sa mukha ng dalaga ang pagka-gulat nang makita si Connor na papalabas na ng silid