“IT’S a weekend and the sun is still so high for you, stunner,” anang Caden na nasa passenger seat sa loob ng kotse ni Nikki. Iniwan lang nila ang kotse nito sa loob ng compound niya para isama ang lalaki sa gusto niyang puntahan sa araw na ito. “Oo nga, alas dos pa lang kaya may payong ako pero gusto kitang isama sa pupuntahan ko and then we’ll go somewhere else na puwede mong ma-enjoy o hindi, depende sa ‘yo. But…” Sinadya niyang ibitin iyon at sinulyapan ang lalaking nakatingin sa kaniya habang nagmamaneho. Pinasadahan siya nito ng tingin sa suot na beige sleeveless blouse na mahaba na pinaresan ng brown leggings. Nakapusod ang kaniyang buhok kaya kitang-kita nito ang mga na-expose niyang balat at kitang-kita niya ang pagnanasa sa mga mata nito na parang gusto na siya nitong patigilin