Labis ang paghihinagpis ng pamilyang Montague dahil sa pagkawala ni Zalazar. Dumating sa huling hantungan si Alena at Fabio ilang araw matapos nasawi ang ama. Hindi naman magkamayaw ang mga luha ng asawang si Dayana. Tahimik lamang si Fabio habang pinagmamasdan ang kinikilalang ama sa huli nitong hantungan. Nag kuyom at nanaig ang galit sa kanyang puso. Hindi niya mapapatawad si Lazaro De Vega, ang baliw na lalaking sumugod sa kanilang puder. Napaluhod naman si Alena dahil sa labis na panghihina. Nakatayo lamang si Alyana at yakap yakap ang sarili habang pinag mamasdan ang isang pamilya na nag durusa. Sinisisi niya ang sarili dahil sa pagkasawi ng ama ni Fabio. Kung hindi siya nag pumilit na sumama dito ay hindi sana mapapahamak si Don Zalazar. "Bakit ka pa bumalik Alyana?" Inis na tano

