"Bakit ang tahimik mo?" Pag aalang tanong ni Alena sa kapatid. Pitong buwan na ang kanyang ipinagbubuntis at aminado itong hirap siya dahil sa dalawang sanggol ang nasa sinapupunan. Nakatanaw naman sa malayo si Dia. "Ate kanina ka pa diyan?" "Iniwan mo kasing bukas ang pinto kaya pumasok na ako." Ani ni Alena habang hinihimas ang umbok na tiyan. Wala naman ngayon si Fabio. Regular na itong pumapasok sa Black Estate katuwang ang kapatid sa ina na si Matias. Abala man ito, hindi niya nakakalimutan ang responsable sa mag ina niya. Madalas ay maaga itong umuuwi galing trabaho at hindi na nagpapalipas ng gabi. Napakamot naman sa ulo si Dia. Nagiging makalimutin na nga siya nitong makailan lamang. Hindi kasi mapanatag ang sarili at palaging ginagambala ang kanyang konsensiya. Gusto ka niyang

