ANGHELISHA DEMORGON
I have to call my staff. Hindi muna ako umalis sa loob ng restroom. Kinuha ko sa loob ng aking hand bag ang cellphone ko. I will contact my manager. “Hello, good morning madame Anghelisha.”
“Listen to me, Mitch. May expected na darating na costumer diyan sa greenhouse café. An old man wearing a white polo shirt and black jeans. Kapag um-order s’ya, ‘wag n’yo munang ibigay hangga’t hindi pa ako nakakarating, maliwanag?”
“Copy, madame. I will.” I am not sure kung sino ang mas mauuna sa ‘min doon dahil nilisan na nila itong mansyon. Binaba ko na ang tawag at binalik ang phone ko sa loob ng bag. Lumabas na ako sa restroom.
I wear my black tinted eyeglasses on. Nilakad ko ang ground floor hanggang sa maka-labas ako sa main door. Pagdating sa gate bars, may full body inspection ulit. Nang wala namang negative response ang sensor na hawak-hawak ng guard, naka-labas na ako. I called a taxi. Tumagal ang ilang minuto bago pa nakarating.
Approximately, isang oras yata ang tinagal ng biyahe from that mansion hanggang sa aking café. Nang maka-labas na ako sa sinasakyan ko, naka-titig na ako sa glass walls.
Gumagalaw ang eyeballs ko para hanapin ang aking target at napa-hinto ang aking mga mata nang masilayan kong naka-upo na roon si Dracul but he’s with his wife.
Not a big deal kung ang regular customer ko ay ang mafia boss pala ng isang organisasyon. Nakakabigla pero ‘di bale na. Mas mapapadali ang trabaho ko kung sila mismo ang lumalapit sa teritoryo ko.
Lumakad na ako palapit ng entrance. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng elevator habang naririnig ko ang ugong ng iba’t ibang boses ng aking mga customer. Nang makapasok ako sa loob ng elevator 2, sinentro ko ang aking mga mata sa kinauupan ng mag-asawa.
Sumara na ang pinto at umangat ang elevator. Ni wala man lang akong naramdaman na mali sa matandang ‘yon noong una ko s’yang nakita. He’s just a typical old man with a young pretty wife.
I didn’t sense any negativity from him. Well bakit ko s’ya pagsususpetyahan kung wala naman akong nakitang mali sa kan’ya. Ang mahalaga ngayon, I already know his name and his real identity.
“I need a casual dress.” Nang makarating ako sa fashion boutique floor, sinamahan ako ng sales lady papunta sa women’s section. Si Chel na ang pumili ng aking susutin.
Pink puff sleeve fitted dress na hanggang tuhod ang haba. Sinuot ko iyon sa loob ng fitting room. Nagmamadali akong lumabas at bumaba ng café dahil lilikha ako ng eksena. My acting skills are so bad that I can’t even pretend that I am an innocent girl with a positive personality. Mukhang iyan kasi ang hanap ng matandang iyon.
People will always say that I have the face of an angel and that I couldn’t even hurt a fly but in reality, I can stab and shoot my target to death. They always misjudged me because of my looks. Sana maayos ang acting ko mamaya para hindi ako mas’yadong halata.
Nang maka-apak na ako sa ground floor, tinungo ko ang counter. “Hello, Madame Anghelisha.” Binati ako ng cashier.
“I need to talk with Mitch.”
“Right away, Madame.” Umalis s’ya sa kan’yang puwesto. Pinasok ang isang pinto. Ilang segundo ang lumipas, lumabas na roon si Mitch.
“Kukunin ko na ang order sa table 5.” Mabilis n’ya akong tinanguan at pinasok ang pangalawang pinto. Nang maka-labas ulit ang manager ko, kapit-kapit n’ya na ang magkabilang gilid ng tray na naglalaman ng mga sandwiches, fries, at iced coffee.
“Here, Madame.” Inabot n’ya iyon sa ‘kin. Kinapitan ko na ang tray at tumalikod. Binaling ko ang buo kong atenns’yon sa table 5 kung saan masayang naguusap ng mag-asawa. Hinakbang ko na ang mga paa ko palapit sa kanilang kinaroroonan.
“Thanks for waiting.” Tumigil ako sa gilid ng mesa. Naagaw ko ang atens’yon nila pero hindi nila ako ganoon binigyan ng pansin. Isa-isa kong nilapag ang 2 plates of sandwiches at fries. Nang isusunod ko na ang dalawang baso ng iced coffee, sinadya kong pinatabingi ng konti ang tray.
Doon magkasabay natumba ang dalawang baso at saktong-sakto, nabuhos ko iyon sa matanda. “Oh no darling!” Patiling sumigaw ang babae at napa-tayo si Dracul.
“Oh my God! I-I am so sorry! Hindi ko po sinasadya, Sir!” Naagaw namin ang atens’yon ng ibang customer at napa-titig sila sa aming kinaroroonan.
“It’s alright. I am fine—“
“NO! YOU ARE NOT!” Sumigaw ang asawa n’ya. “What a clumsy waitress you are!”
“No, darling. Really… ayos lang ako.” He started to grab some napkins to wipe his face.
“Here, use this!” Inabot ng babae ang panyo n’ya na agad namang tinanggap ng matanda. “You! Kinakailangam ko makausap ang manager mo—“ Nang binalingan ko s’ya ng tingin, kaagad n’yang hininto ang kan’yang sinasabi dahil nasilayan n’ya ng malinaw ang mukha ko.
Naalala n’ya agad ako.
Tinitigan n’ya ako pababa-pataas. “Y-You… are the girl who stole my wallet last week!”
“What?” sumabat si Dracul.
“You know I didn’t, ma’am. Binalik ko lang sa ‘yo ang naiwan mong pitaka,” I said softly.
“Bertha, do you know her?” Saglit s’yang napa-titig sa asawa n’ya.
“Yes, darling! She stole my wallet!” Parang sisirain yata ng hampas lupang ‘to ang plano ko.
Hinarap ko pabalik si Dracul at nginitian ng pagkatamis-tamis.
“Let me introduce myself. I am Anghelisha Malafronte. The owner of this café and boutique. I didn’t steal anything from your wife, Sir. If you have doubts, free to check the CCTV clip to prove that I am not a thief.”
“Hold on, you are the boss here?” Tumango ako.
“I apologize if I made a mess. In exchange, you don’t have to pay for the food and my staff will replace your orders. And… since nasa second floor lang ang boutique, sundan n’yo lang po ako at pumili kayo ng iyong pamalit sa men’s section—“
“You did this on purpose, didn’t you?!” Naputol ang pagsasalita ko nang sinigawan ulit ako ng asawa n’ya. In fairness, she’s right but I have a different motive.
“Madame Anghelisha? What’s going on here?” May waitress na lumapit sa amin. Sa kan’ya muna ako tumingin.
“Accompany him upstairs.” Sabay napa-titig kay Dracul.
“Yes, Madame. This way, Sir.” Hindi na nag-reklamo pa ang matanda at sumunod na lang sa waitress.
“Are you trying to seduce my husband?!” I will deal with this woman first. Hinarap ko s’ya. Kumunot ang noo n’ya dahil nawala ang sigla sa facial expression ko. Naniningkit ang mga mata n’ya na parang handa na makipagsabunutan sa ‘kin.
“You are suspicious! Una, sinadya mong nakawin ang wallet ko—“
“Huwag mong isisi sa ‘kin ang pagkaburara mo.” Umiba na rin ang tono ng pananalita ko. Lumaki ang naniningkit n’yang mga mata.
“Fine, forget about the wallet,” matigas na tugon n’ya. “How about my husband? Plano mo bang akitin ang asawa ko?!” I smiled.
Triggered s’ya dahil halatang kayang-kaya kong maakit ang matandang ‘yon? For God’s sake kasing edad lang sila ni Boss Kruger.
His son is my target. I have to be the chosen one to be his wife and unfortunately, lagi ko nang makikita ang pagmumukha ng babaeng ito.
“Sagutin mo ako. It’s so obvious that you purposely did that to catch my husband’s attention!” Hindi s’ya nagkakamali. Mga babae nga naman. Malakas manghula. Malapit na sa katotoonan.
I cleared my throat. “He is pretty rich so…” I shrugged my shoulders. “You don’t mind if I do,” pangaasar ko pa na lalo lang nanlaki ang mga mata n’ya.