CHAPTER 5

1490 Words
HER nose turned red. Iyan lang ang visible na puwedeng makita ng mga mata ko dahil nakakatakpan kasi ng light foundation ang mga part ng mukha n’ya. “Just kidding... I was just joking. Hindi ako pumapatol sa matanda.” Mukhang mas naasar s'ya sa sinabi ko dahil lalo lang n'ya akong pinaningkitan ang mga mata at pabagal nang pabagal ang kan’yang pag-hinga. Tinitigan ko pa s’ya pababa-pataas at tumalikod na ako sa kan’ya. Akala ko nga sisigawan n’ya pa ako pero nakakailang hakbang na ako, wala na akong narinig ni isa sa kan’ya. I continued walking on the elevator. Pumasok ako roon. Humarap pa ako at tinanaw ang babae. Bago sumara ang pinto, kitang-kita ko kung paano n’ya ako tinititigan ng masama. Of course, sino ba naman ang hindi mainiis sa sinabi ko. Nang makarating na ako sa floor 2, nakita kong tumakbo palapit sa 'kin ang waitress sa inutusan ko kanina. “Where is he?” Tumigil s’ya sa harap ko. “Nasa fitting room po, madame. In-assist na po s’ya ng salesman kanina.” “Good. Go back to your work.” “Okay, madame.” Nilagpasan na ako ng waitress. Nag-stand by lang ako sa aking kinatatayuan habang naka-focus ang mga mata ko sa fitting room ng male section. Nakikita ko ‘yon dahil glass walls ang humahati sa dalawang section. Nag-antay pa siguro ako ng dalawang minuto bago ko nakitang lumabas ang matanda. “Darling!” Hindi ko agad napansin ang presens’ya ng asawa n’ya. Sinadya pang banggain ng babae ang kaliwang balikat ko habang tinatakbo n’ya ang kinaroroonan ng glass door. Tinulak n’ya ang pintuan at sinalubong ang asawa n’ya. Hindi ko inalis ang aking mga mata sa kanilang dalawa hanggang sa naka-labas na at patungo sila sa kinatatayuan ko. “Darling, let me lead the way.” Kinapitan pa ng babae ang kamay ng matanda. Hinila n’ya at mukhang sa elevator 1 sila patungo kahit magkatabi lang ang dalawang elevator kung saan ako naka-puwesto. Bago pa sila maka-lapit doon, mabilis kong hinakbang ang aking mga paa at hinarangan ang naka-bukas na elevator. Napa-tigil sila. “Make way, you bìtch…” mahinang bulong ng babae habang gigil na gigil talaga s’yang naka-titig sa ‘kin. Umangka pa talaga s’ya sa braso ng asawa n’ya na akala mo talaga aagawin ko. Hindi ko s’ya binigyan ng pansin. Sinalin ko ang aking buong atens’yon sa matanda. “Again, I apologize, Sir,” marahang sambit ko sa kagalang-galang na boses. “Don’t listen to her, darling. She is a two-faced bìtch! She’s trying to seduce you!” I am glad she brings out that topic. Binalingan ko ng tingin ang babae. “I have told you, Ma’am. Hindi ako interesado sa mga matatanda. Hindi ko sasayangin ang aking kabataan. I... rather want his son if… he has,” mahinhing sambit ko. Palihim ko na sinulyapan si Dracul. Nasaksihan ko kung paano nagkasalubong ang mga kilay n’ya. Pasimple pa akong tumikhim nang kilatisin n’ya ako pababa pataas. “What is your name, young lady?” I stared at him. “Anghelisha Malafronte.” “And how old are you?” Mukhang naintriga agad s’ya sa ‘kin. “29 years old.” Nangunot ang noo n’ya. “For real? I thought you are under 25 just like my wife... you look 20.” Umuusok na talaga ang dalawang butas ng ilong ng asawa n’ya. “What do you mean by that? You want to pick him for Ryū’s wife?!” Hinarap n’ya si Dracul. Hindi pa rin inalis ang pagkakatitig sa ‘kin ng matanda. He was just checking me in a normal possible way. Walang malisya roon. Napapa_side view pa ako para maipakita ko ang matangos at maliit kong ilong. Hinawi ko rin patalikod ang aking naka-lugay na buhok. I exposed my pale neck and my jawline. “She looks so young to be 29 years old.” “But she is over-aged woman! Ryū wants 20-25 years old! He will reject her!” “No. I don’t think so.” Mukhang gumana ang plano ko kahit umiba ng konti dahil dapat, doon n’ya ako nakita sa mans’yon pero mas maiging dito na lang dahil nasa teritoryo ko sila. “Are you single? Are you looking for a serious relationship by any chance?” “Mukhang mahaba-haba pa ang paguusapan natin, Sir.” At doon ko na s’ya inimbitahan sa floor 3 dahil may sarili akong private lounge roon. Naginarte pa ang asawa n’ya pero ang matanda pa rin ang masusunod. Dapat lang na hindi s’ya mag-paunder de saya. “So… are you looking for a man?” Naka-upo na sila sa Cleopatra sofa habang kaharap ako. “Yeah but why? Do you have a son to offer?” Matigas s’yang tumikhim. “Yes. We are facing a hard challenge right now. Naghahanap ako ng babaeng mapapangasawa ng aking anak.” “How old is your son?” “Twenty four years old.” My eyelids twitched. Hindi ko gustong mas ahead pa ako sa lalake dahil nagmumukha akong nakakatandang kapatid. But anyway, dahil misyon ko naman ito, I have no complaint. “Tila minamadali n’yo yata ang anak n’yo?” Doon napa-tikom ang kan’yang bibig. “It’s… our family tradition.” Marami pa sana akong katanungan tungkol sa anak n’ya. Bakit ganoon na lang kadami ang kan’yang asawa? Akalain mong naka-30 s’ya? I think he is just a spoiled brat with mental health problems. Huwag naman sana dahil mahirap makisalamuha sa mga taong may mga hinanakit ng nakaraan. Nararamdaman kong magulo ang pamilya nila. This woman sitting beside him is his mistress. Hindi s’ya ang ina ni Ryu. Marahil nakakasura ang ugali ng lalakeng ‘yon kaya walang nag stay na babae sa kan’ya. “Do you… want to meet my son—“ “Actually, I am dealing with my problem right now too. Naghahanap ako ng lalakeng puwede kong pakasalan para makatakas sa engagement na nais ng aking ama... sa lalakeng hindi ko naman gusto.” Natawa ng pagak ng asawa n’ya. “Ano ang pinagkaiba kung mapupunta ka kay Ryu? Do you even like him? And... do you think he will like you?” My eyeballs moved. Sa kan’ya napunta ang atens’yon. “Yes, there is a big difference.” “Well, I want to hear it.” I smiled. “Ryū is not my second cousin,” palusot ko. Nilihis ko ulit ang aking tingin. “You heard it right, Sir. I badly need a man that who are willing to marry me. I am ready to suffer the consequences. Basta’t hindi lang ako maikasal sa pinsan ko.” Umangat ang magkabilang kilay ni Dracul. “Darling, no! I hate her... Please don’t pick her!” Balewala kahit magmakaawa ka pang babae ka. I can see that he is already decided. “Hindi s’ya magugustuhan ni Ryu! I am telling you! You have to believe me!” Hinarap n’ya ang maarte n’yang asawa. “I won’t waste this opportunity, darling. Kahit over age na s’ya para maging asawa ni Ryū, hindi naman halata. She looks… excactly the woman that I have been looking for,” pabulong n’yang sambit. “Kilalanin mo muna ang babaeng ‘yan! Nagmamadali ka mas'yado! She disrespects me!” Huminga ng malalim ang matanda na parang napapagod na sa bunganga ng asawa n’ya. Hinayaan ko muna silang mag-usap. Tinitigan ko muna ang mga kuko ko sa kanang kamay. “I couldn’t find any decent woman. She is the one for Ryu and besides, isn’t she the best looking woman that we have ever seen? If you compare from my son’s wives, s’ya ang pinakamaganda sa lahat.” Rinig na rinig ko ang usapan nila kung paano ako purihin ng matanda. “’Wag nga s’ya ang piliin mo! Tinarayan na ako n’yan!” “Stop contradicting me,” naiiritang usal n’ya pa na ikinahinga ng marahas ng babae. Sa inis n’ya, napa-tayo s’ya sa pagkakaupo. Nakita kong tinapunan n’ya ako ng matalim na tingin bago s’ya pababog na umalis sa kan’yang puwesto at humakbang ng mabilis patungong pinto. Binuksan n’ya ang pintuan. Lumabas na s’ya pero bago umalis, pabagsak n’yang sinara ang pintuan na ikinabagsak ng hanging painting ko at um-echo ang tunog ng pagkabasag sa buong sulok ng lounge. Doon naman umugong ang marahas na hininga na pinakawalan ng asawa n’ya. “I’ll pay for the painting and on her behalf, I am sorry.” “No, no. It’s okay, Sir.” “Just call me Dad.” Nakita kong nilahad n’ya ang kan’yang kanang palad at kinurbahan ako ng mga labi. “If you accept my offer, I will make you his bride.” Umangat ang kabilang gilid ng bibig ko. “Nais kong sa susunod na linggo na gaganapin ang aking kasal," maawtoridad na tugon ko. Kinapitan ko ang palad n’ya at ako mismo ang nakipag-shake hands. “Deal, my dear. Welcome to Drago family.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD