Makalipas ang isang linggo ay kainip inip na kay Vince ang bawat araw na lumilipas. “Pinsan, ewan mo sa amin si Andrew, kung gusto mong mag stay sa rancho. Or sa sa taniman ng mga grapes, malapit na ang pag aani ng mga yon.” “Mas mabuti pa nga, dahil kung naririto lang ako at walang ginagawa ay siya lang lagi ang naiisip ko.” “Bago ko pala makalimutan, alam mo naman siguro na magkasama sa isang ospital si JC at Andrea. Minsan napunta dito yon kaya lalo na ngayon na malapit na ang paghaharvest ng mga grapes.” “Hindi naman siguro non malalaman kung sino si Andrew.” “Mas mabuti ay kausapin mo siya, para din makabalita ka sa kaniya. Kahit hindi mo sabihin ay alam ko ang nasa loob mo. Ang gusto ay palaging makabalita sa babaeng minamahal.” dagdag pa niya. “Sa ngayon ayaw ko munang isipin