Nag stay pa nang isang linggo si Vency sa hospital bago ito pinayagan na makauwi ng bahay. “Mommy, bakit hindi ko yata nakikita si Kuya?” “Hindi ko rin alam kung saan siya nagpunta. Dahil maagang umaalis at gabi na dumarating.” “Pag nakita mo naman po ay pakisabi na gusto ko siyang makausap.” “Sige anak, ano pala ang gusto mong kainin at magluluto ako?” “Thanks po mommy, pero kahit ano naman ang luto mo ay gusto ko.” “Ikaw talaga binobola mo ako, papuntahin ko rito si James para may umaalalay sa paliligo mo.” “Salamat po.” Samantala ay kapansin pansin ang hindi pag kibo ni Andrea. Lagi rin itong nakatitig sa malayo at malalim ang iniisip. “Iha, ayos ka lang ba? May masakit sayo o baka hindi maganda ang pakiramdam mo? “Ahm, okay lang po ako Tita, iniisip ko lang po kung papayag k