Few months later… Palakad lakad si Andrea sa loob ng kwarto. Ayaw niya munang ipaalam sa mga kasambahay ang pagsakit ng tiyan. Dahil ang alam niya ay sa susunod pang linggo ang duedate niya. Subalit nakakaramdam na siya ng sunod sunod na pag sakit kaya naman ay nagmamadali na siyang naligo at nagbihis ng maternity dress. Pagkatapos ay mabilis na lumabas ng kwarto at saktong nasa pasilyo na siya patungong hagdan ng may nagsalita sa likuran niya. “You're bleeding!” “Oh,” agad na sinapo niya ang malaking tiyan at kinabahan dahil baka biglang lumabas ang kaniyang anak. “Manganganak ka na ba?” nakaramdam ng pag alala si Vency. “Hindi ko alam, kasi next week pa ang schedule ko.” “Pero bakit ka nag bleeding? Baka naman manganganak ka na ay dadalhin na kita sa ospital?” “Ahm, ayos lang ako