Pagdating nila sa ospital ay hindi makasingit si Vince dahil naroon ang mga makukulit na angkan Montemayor. Bakit nga ba naririto ang mga ito at paano nalaman na nanganak si Andrea? “Anong ginagawa ninyo dito? Tumabi nga kayo!” “Hoy! Lalaking walang pakialam sa mga kamag anak. Para sabihin namin sayo na hindi ikaw ang dinalaw namin!” “Whatever! Bakit nga kayo naririto?” “Natural para sa pamangkin namin! Kaya huwag kang makareklamo dyan huh!” “Kung gano’n magsilabas nga muna kayo! Kakain muna siya at magbi bihis! Kaya alis na!” “Si Andrea, ay nanlalaki ang mata sa naririnig. Ano ba ang gustong mangyari ng lalaking ito na okay sila? Kung umasta ay akala mo’y close silang dalawa.” Nang mawala ang lahat ng tao sa paligid at sila nag tanging naiwan. Nagpupuyos ang galit niya sa lalaking