Sa paglipas ng mga araw, linggo at buwan ay naging miserable ang buhay ni Vince. Unti-unti ay naging palainom siya dahil sa kawalang pag asa. Sa araw araw ay lagi niyang sinusubukan na kausapin si Andrea ngunit lagi siyang bigo. Ngunit ang araw na ito ay masasabi niyang maswerte siya dahil napa timing na palabas ng gate ang kapatid ni Andrea. Kaya’t sinamantala niya ang pagkakataon. “K-kuya Vince!” “Please, papasok ako at huwag mo akong subukan na pigilan. Gusto ko lang makausap ang ate mo.” “Pero mahigpit ang bilin niya na huwag kang papasukin Kuya. I’m sorry, kaya lang hindi talaga maaari.” Subalit hindi siya magpapa pigil pa. At mabilis na pumasok sa gate, kahit sinubukan siyang harangin nito. “Huwag mo akong subukan at masasaktan lang ang isa sa ating dalawa. Kung anuman ang prob