“Magaling ka na Vince, maaari ba na umalis ka na dito?” “Hindi ako aalis baby, dito lang ako at kahit hindi mo ako kausapin ay mananatili pa rin ako sa bahay na ito.” Napatitig na lang siya sa lalaki, saka tinalikoran ito at naghahanda na sa pagpasok sa ospital. Wala siyang oras makipagtalo binalewala na lang niya. Mas marami siyang dapat na i-priority kisa magbangayan sila. “Yaya, aalis na ako ikaw na ang bahala sa mga bata.” “Sige po Ma’am.” Nadaanan niya sa living room si Vince na na kasunod ang tingin sa kaniya. “Bakit ganyan ang suot mo? Parang maiksi naman yata masyado?” Hindi siya umimik dahil nagpipigil na makapagsalita ng hindi maganda. Tumuloy na siya sa pintuan at binuksan ang shoe rack sa may gilid para kunin ang kaniyang sapatos. “Hindi mo ba naririnig ang sinasabi ko