Chapter 3

1301 Words
"Wai," mahinang sambit ni Luke. "Luke," mahinang sambit ni Wai na halos dalawang dipa na lang 'ata ang kanilang pagitan. Walang gustong gumalaw sa kanila. Unang bumawi ng tingin si Wai. Tiningnan n'ya ang batang hawak ni Luke. Bigla na lang nag-uunahang naglandas ang kaniyang mga luha. Huli na ba sya? Kaagad siyang nagmamadaling umalis at agad naman s'yang sinundan ni Jix. "Wai! Wait!" tawag ni Jix dito. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Luke sa mga oras na iyon, dahil sa kaniyang nakita. Huli na nga ba s'ya? Sino nga ba ang lalaking kasama nito? Sa isip ni Luke. "Luke, are you okay?" tanong ng babae sa kaniya. Nang mahimasmasan si Luke ay kaagad nitong binigay ang bata sa ina nito at sinubukan n'yang habulin si Wai. Halos ang laki na ng kaniyang mga hakbang para makita ang babae at magpaliwanag dito. Dahil alam n'ya kung ano ang nasa isip nito. Pero huli na s'ya dahil hindi na n'ya nakita pa si Wai. Kahit pa sino ang kasama ni Wai, wala s'yang pakialam. Gusto n'yamg magpaliwanag dito. "Wai bakit? Sino ba iyon?" naguguluhang tanong ni Jix dito, dahil sa nakita n'yang eksena kanina. Pero mas pinili ni Wai na huwag na lang magsalita. Sumakay na si Wai ng taxi papunta sa bahay na kaniyang uuwian at iniwan na n'ya si Jix. Dahil alam naman n'yang may sundo ito. Ayaw n'yang magkwento muna sa kaibigan. Sobrang sakit para sa kaniya ang nakita kanina. May anak na pala siya. Halos mag-isang taon pa lang sa tingin n'ya ang batang karga nito kanina. Isang taon mahigit lang silang nagkalayo ni Lue. Bigla na lang nawalan ng kontak sa lalaki. Iyon ba ang dahilan kung bakit nakalimutan na s'ya ng lalaki?' -- Halos mapakuyom ang mga palad ni Luke. Nakita na n'ya ang matagal na n'yang hinahanap, pero sa maling pagkakataon pa. Dalawang sasakyan ang sumundo kina Luke, ang kanyang sariling sasakyan ang isa. "First, kayo na bahala sa mag-ina. Ihatid n'yo sila sa tutuluyan nila. Manong, sumabay kana sa kanila. Akin na ang susi." Utos ni Luke sabay sakay sa kaniyang sasakyan at pinaharurot na niya ito. Habang nasa taxi si Wai hindi mawala sa kaniyang isip ang tagpo nila kanina. Lalo na sa kasamang babae ni Luke kanina at ang karga nitong bata, "Asawa kaya n'ya ito?" sa isip ni Wai. Gusto man n'yang pigilan ang mga luhang nag-uunahang dumaloy sa kaniyang mga mata, pero ayaw magpaawat ng mga ito. Ito ba ang sasalubong sa kaniya? Sa unang araw niya sa bansa ay ang masaktan siya? Walang ibang mapuntahan si Luke sa mga oras na iyon dahil nasa ibang bansa pa si Harold at hindi pa ito bumabalik ng bansa. Hindi na n'ya namalayan na nasa bar na s'ya dinala ng kaniyang mga paa. Halos lunurin n'ya ang sarili sa alak sa mga oras na iyon. Ang sakit para sa kaniya na makitang may kasama si Wai na iba. "Bakit Wai? Hindi mo man lang ako kinausap." Naisatinig ni Luke habang tumutungga ng alak. --- Kinabukasan, halos mugto ang mga mata ni Wai dala sa pag-iyak niya kagabi. Kaya tinawagan niya si Jix na bukas na lang siya magri-report sa office, dahil masama ang kaniyang pakiramdam. Sa totoo lang, gusto n'yang ikulong muna ang sarili at makapag-isip ng tama. Para harapin n'ya ang bagong bukas at magsimula ulit na mangarap para sa sarili n'ya. Ayaw n'yang makita ang sarili na nasasaktan at nahihirapan. Gusto n'yang magsimula ulit. -- Sobrang sakit naman ng ulo ni Luke pagkagising nito. Agad naman niyang tiningnan kung anong oras na. Mag aalas-dose na pala ng tanghali. Sa sobrang dami ng kaniyang nainom kagabi ay hindi na n'ya alam kung paano s'ya nakauwi ng bahay. Agad s'yang bumangon at dumiretso agad sa banyo at doon nagbabad sa ilalim nang malamig na tubig. Gusto n'yang ayusin ang sarili at simulan n'ya ang dapat simulan. "Manang, bumaba na ba si Luke?" tanong ni Second sa kasambahay ni Luke. "Hindi pa po," sagot naman nito. "Sige. Salamat, Manang. Hihintayin ko na lang," ani Second sa matanda at iniwan na n'ya ito. -- Para hindi ma-boring si Wai, inayos n'ya ang kaniyang mga gamit at nilinis ang buong paligid. Matagal rin bago n'ya nabili ang condo na ito. Mula noong kinasal si Maria ay ibinigay na ni Maria kay Wai ang isa sa mga condo nito at iyon ay ang titinirtan n'ya ngayon. May alaala ang condo na ito sa kaniya. Pagkatapos n'yang ayusin at linisin ang lahat ay nagpasya naman s'yang mag-grocery para sa kaniyang mga kakailanganin. -- "Good afternoon, Sir," bati ni Second nang makita nitong pababa ng hagdan si Luke. "Good afternoon too," bati rin ni Luke. At tinawag ni Luke si Aling Minda para sabihin dito na hindi s'ya kakain sa bahay at sa labas na lang s'ya kakain. "Lets go, " aya ni Luke kay Second at nauna na itong lumabas ng bahay. Habang nasa byahe sina Luke ay sinabi naman ni Second ang nangyayari sa kumpanya habang wala s'ya. Tumango lang si Luke sa lahat ng mga sinasabi ni Second. Parang lutang pa s'ya sa mga sandaling iyon. -- Habang nag-aabang naman si Wai ng taxi pagkatapos n'yang mag-grocery ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya tumakbo muna siya sa gilid ng department store para sumilong at mag-abang na lang doon ng masasakyan. -- Dahil malakas ang ulan, kaya dahan-dahan ang pagpapatakbo ni Second sa sasakyan at medyo ma-traffic na rin dahil sa malakas na ulan. Malakas ang ulan at medyo ma-traffic kaya pinikit muna ni Luke ang kaniyang mga mata. "Sir, dadaan lang po ako saglit sa department store may bibilhin lang ako saglit. May ipapabili ka?" tanong ni Second kay Luke na nakapikit pa rin ang mga mata. "Wala. Hihintayin na lang kita rito," ani Luke at hindi pa rin dumidilat ang mga mata. Dahil may sasakyang paparating kaya gumilid pa lalo si Wai. Hindi tuloy s'ya makikita kung may dadaang taxi sa lugar na iyon dahil may nakaharang na sasakyan. "Kamalasan ko naman talaga pati ba naman sa araw na ito malas pa rin ako?" sa isip ni Wai. Halos sampung minuto rin bago dumating ang driver ng sasakyan at siya namang daan ng taxi kaya pinara niya ito. Swerte n'ya at walang laman. Saktong pagpasok ni Wai sa taxi ay s'ya namang dilat ni Luke at kinurap-kurap pa n'ya ang kaniyang mga mata. Parang kilala n'ya ang likod ng babaeng kasasakay lang sa taxi. Nakalayo na ang taxi saka lang umusad si Second. "Sir, may problema po ba?" tanong ni Second sa amo nito dahil parang may tinatanaw ito. "Wala. Sige diretso na tayo sa kumpanya," sagot lang nito at baka namalikmata lang s'ya at lahat na lang ng babae ay kamukha na ni Wai. Sa kakaisip n'ya sa babae baka mabaliw na s'ya. Pasalamat na lang s'ya dahil alam n'yang nasa bansa na ang babae, maliit lang ang bansa kaya magkikita at magkikita pa rin sila balang araw. -- Pagdating ni Wai sa condo ay sakto naman na tumawag si Jix para ibalita sa kanyan na may naghihintay sa kanyang project. At masaya naman si Wai sa balita ni Jix at bukas na bukas din ay papasok na s'ya. Dahil ayaw n'yang sayangin ang opportunity na iyon. -- Pagdating naman ni Luke sa opisina nito ay agad nitong binasa ang mga papers na naghihintay sa kaniya sa mesa. Napapailing na lang s'ya nang makita at mabasa ang mga ito. "Sir, hindi pa po sumasagot ng email ang isang law firm kung saan manggagaling ang abogado na ibibigay nilang bagong attorney ng kumpanya. Ang sabi lang sa akin ay bukas pa malalaman ang sagot," ani Second dito. "Ok, good. Hihintayin natin para isahang meeting na lang ang gagawin natin," ani Luke at binalik ulit sa mga papers ang kaniyang atensyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD