Chapter 2

2021 Words
Chapter 2 Nakahanda na ang mga gamit ni Wai sa kaniyang pag-uwi. Inihanda na niya ito para wala na siyang iisipin pa. Hinihintay na lang nila ang pirma ng kanilang manager para makauwi na sila. "Wala na talagang urungan ito." Sa isip ni Wai habang tinitingnan nito ang mga gamit niya na nasa kaniyang harapan. Dahil linggo naman, naiisipan na lang muna niyang magpahinga at mamaya na lang siya lalabas. --- Sa kabilang banda naman, busy si Luke sa kaniyang kumpanya. Iiwan na muna niya ito sa pinagkakatiwalaan n'yang pinsan. Hinabilin lahat ni Luke sa pinsan nito ang pamamahala muna sa kaniyang kumpanya habang wala s'ya rito. Baka biglaan na lang ang kanilang alis 'pag naayos na ang papers ng mag-ina na kasama n'ya sa pag-uwi ng Pilipinas. "Basta, kapag may problema tawagan mo ako kaagad at babalik ako agad-agad," ani Luke sa pinsan. "Akong bahala rito, bro. Makakaasa ka," sagot naman nito kay Luke. "Salamat," tugon lang ni Luke sabay tapik sa balikat ng pinsan nito. "Good luck sa pag-uwi mo," sabi ng pinsan nito. Napailing at napangiti lang si Luke sa sinabi ng pinsan nito. Alam nito ang dahilan kung bakit ito uuwi ng Pilipinas. -- Tunog ng cellphone ni Wai ang nakapagpagising sa kaniya at inabot nito ang cellphone sa katabing table ng kaniyang kama. Nakapikit pa itong sinagot ang linya. "Hello?" antok pa na sagot nito. "Gising! Samahan mo ako sa mall, bibili ng mga pasalubong!" sabi nang nasa linya. "Ikaw na lang kaya? Bakit pa ako kasama?" tamad na sagot ni Wai sa kaibigan. "Sige na. Kapag hindi mo ako sasamahan bubulabugin kita r'yan!" Pananakot ni Jix kay Wai. "Okay, hintayin mo ako. Tatawagan kita kapag ready na ako," pagsang-ayon ni Wai sa kaibigan, dahil talagang gagawin nito ang pamumulabog kapag sinabi nito. Kaya no choice s'ya kung hindi pagbigyan ang kaibigan. Sabagay kaunti na lang at makakauwi na sila. Hindi na s'ya nito bubulabugin pa. --- Kausap naman ni Luke si Second, para kumustahin ang mga negosyo nito sa Pilipinas. "Naayos ko na po lahat, Sir. Pati ang opisina mo, naayos na rin. Ikaw na lang ang kulang," ani Second kay Luke. "Salamat. Sa susunod na araw na ang uwi namin, tatawagan ka na lang ni First sa iba pang mga detail," sabi ni Luke sa tauhan at nagpaalam na ito. --- Maagang pumasok sina Wai at Jix. Dahil iisa lang naman ang building ng dalawa kaya sabay sila lagi. "Sana maging okay na ang papers natin at may magandang balita na mamaya pagdating natin sa opisina," ani Jix kay Wai habang nasa bus sila. "Sana nga. Para naman makalayas na tayo rito,"sagot lang ni Wai sa kaibigan. "Kaya samahan talaga natin ng dasal. Miss ko na asawa at parents ko," ani Jix. Tiningnan lang siya ni Wai at nginitian lang niya ito. Dahil alam ni Wai na miss na nito ang pamilya niya. Kaya kapag nangungulit ito sa kaniya ay hinahayaan lang niya ito, kahit minsan nakakainis na. Pero laking pasalamat din niya kay Jix at nakilala n'ya ito, at naging malapit na kaibigan. S'ya 'yong taong maaasahan n'ya kapag kailanagn niya ito at nakakatulong sa kaniya. Hindi pa siya binigo ni Jix sa lahat ng kaniyang mga pakiusap sa lalaki. Buti na lang at hindi selosa ang asawa nito at may tiwala sa kanilang dalawa. Iyon ang hindi sisirain ni Wai. Ang tiwala na binigay sa kaniya ng taong mahalaga sa kaniya. -- "Kumusta? Anong balita?" tanong ni Luke sa kausap, nagbabaka sakaling may nakalap na itong balita tungkol sa babaeng matagal na niyang hinahanap. "Sorry, Sir. Wala pa akong nakalap na balita tungkol sa pinapagawa mo. Natanong ko na ang ibang mga kilala kong law firm, pero walang Wai Chua sa kanilang kumpanya," sagot nito kay Luke. "Sige salamat. Balitaan mo na lang ako kapag may nalaman ka na tungkol sa kaniya," bilin ni Luke at binaba na nito ang linya. Halos laglag ang balikat ni Luke sa nalaman. Hindi na n'ya alam ang kaniyang gagawin para mahanap ang babae at sabihin dito ang lahat nang nangyari sa kaniya. Kung bakit nawala ang kontak nila sa isa't isa. Hindi n'ya alam kung saan siya mag-uumpisa na maghanap. Dahil ang natatandaan n'yang huling sinabi ni Wai, ay babalik ito sa bansa at doon na ito mamalagi kapag natapos na nito ang kaniyang mission sa ibang bansa. Kaya dapat makauwi na talaga siya. -- "Good luck sa ating dalawa! Sana may magandang balita na tayong matatanggap mamaya galing sa kataas-taasan," ani Jix habang papasok na sila sa building kung saan sila nagtatrabaho ni Wai. "Good luck talaga sa atin! Kaya tapusin mo na lahat nang pinagagawa sa 'yo para maipasa mo na," ani Wai sa kaibigan at nginitian lang niya ito sabay upo sa table nito nang makarating na sila sa taas. Kinindatan lang siya ni Jix bilang pagsang-ayon nito sa kaibigan at umupo na rin ito sa harapan ng kaniyang table. Habang seryoso si Wai sa kaniyang ginagawa ay bigla na lang pumasok sa kaniyang isip ang taong pinagkakautangan n'ya ng loob, kung bakit n'ya narating ang mayroon s'ya ngayon. Gusto n'yang kumustahin ito at sabihing uuwi na s'ya ng bansa para doon na n'ya ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan. Pero nagdadalawang-isip muna siya. Gusto n'yang maging stable muna s'ya sa work sa bansa bago n'ya ito sabihin kay Maria. Ayaw n'yang mapahiya at sayangin ang oppotunity na binigay nito sa kaniya. ---- "First, sa susunod araw na ang alis natin. Kaya siguraduhin mong maayos lahat nang iiwan natin at mga dadalhin natin," bilin ni Luke kay First habang nasa opisina sila ni Luke. "Yes, Sir. Naayos ko na po ang lahat. Pati sa mag-ina," sagot naman ni First kay Luke. "Good, kung ganoon. Para maayos ang uwi natin, " ani Luke sa kaharap. -- Nasa malalim na pag-iisip si Wai namg bigla siyang tinawag ng secretary ng kanilang boss. Kaya nagulat at napatayo na lang siya at sumunod sa sercretary. Matapos sinabi kay Wai ang pakay ng kanilang boss ay laking pasasalamat nito at sa wakas makakauwi na sila ni Jix! Hawak na ni Wai ang papers na matagal na nilang hinihintay. Kaagad na lumabas si Wai at tinawag nito si Jix sa kaniyang table at sinabi nito ang magandang balita na matagal na nilang hinihintay. Halos mapasigaw si Jix sa sobrang saya. Dahil sa susunod na araw na ang kanilang uwi. "Yehey! Sa wakas!" ani Jix. Napapangiti na lang si Wai sa kaibigan. Sinabihan ito ni Wai na tapusin na ang dapat tapusin at kung hindi nito kaya ay tutulungan niya ang kaibigan, para matapos na nito. Dahil huling araw na nila bukas sa trabaho. Dalawang oras lang ang pasok nila bukas, ayon sa kanilang boss. Para lang makapagpaalam sila nang maayos sa kanilang mga katrabaho. Kaya dali-dali namang sinunod ni Jix si Wai para matapos na nito ang ginagawa at iiwan n'ya nang maayos ang lahat. --- Buong-buo na ang desisyon ni Luke, na pagdating niya ng Pilipinas ay siya na mismo ang maghahanap kay Wai. Isang araw na lang ay lilipad na sila ng Pilipinas. Malakas ang loob n'yang sa bansa n'ya makikita ang matagal ng kulang sa kaniyang pagkatao. Alam n'yang mabubuo s'ya ulit, kapag makita na n'ya ito. Tanging dasal lang ni Luke ay single pa rin ang babae. --- Nagpatawag naman si Second ng meeting sa board member at pinaalam n'ya na darating na sa susunod na araw ang CEO ng kumpanya at magatatagal ito sa bansa. Laking pasalamat naman ng mga member nito na uuwi na sa bansa ang kanilang matagal na hinihintay. -- Kinabukasan, dahil last day na nila Wai at Jix sa trabaho ay ililibre nila ang kanilang mga katrabaho ng lunch bago sila tuluyang magpaalam sa mga ito. Halos maiyak si Wai at Jix, pero wala na silang magagawa. Nasa Pilipinas ang puso nila at wala sa lugar kung nasaan man sila ngayon. Dala-dala na ni Wai at Jix ang kanilang mga importanteng gamit at tuluyan na nga nilang nilisan ang lugar kung saan sila natuto. Hingang malalim lang ang pinakawalan ni Wai. Dahil alam n'yang mas masaya sa kanilang pupuntahan at walang iba kundi sa bansang kanilang pinanggalingan. -- "Ready na ba kayo?" tanong ni Luke sa babae. "Oo. Ready na kami. Naayos ko na lahat ng gamit namin ni baby," sagot ng babae. "Huwag ka nang magdala ng maraming gamit ni baby. 'Yong mga importante lang. Dahil ako nang bahalang bumili ng mga gamit n'ya pagdating natin sa Pilipinas," ani Luke dito. "Salamat," sagot na lang ng babae dahil may malasakit ito sa bata. --- Naka-ready na lahat ang gamit ni Wai, pagbuhat na lang ang kulang nito. Maaga ang alis nila bukas ni Jix, dahil alas nueve ang kanilang flight. Halos hindi makatulog si Wait. Hindi s'ya mapakali. Gusto n'yang matulog. Baka hindi siya magising nang maaga bukas. At alam n'yang mahabang byahe ang kanilang lalakbayin. --- Panay naman ang balikwas ni Luke sa kaniyang higaan. Hindi n'ya alam kung ano ang dahilan kung bakit hindi s'ya makatulog. Dahil ba sa excited na s'yang umuwi bukas or may iba pang dahilan? --- Kinabukasan, nauna pang nagising si Wai kaysa sa kaniyang alarm. Pakiramdam n'ya ay hindi talaga siya nakatulog. Kaagad n'yang tinawagn si Jix para gisingin ito at makapag-prepare na. Maaga ang alis nila mamaya, dahil maaga ang kanilang sundo. At kaagad namang sinagot ni Jix ang tawag ni Wai. Hindi alam ni Wai na halos hindi rin nakatulog ang kaibigan at nauna pa palang nagising sa kaniya. Nakapag-prepare na rin ito para sa kanilang pag-alis mamaya. Sinabi na lang nito kay Wai na dadaanan na lang siya ng kaibigan para matulungan ito sa pagbaba ng kaniyang mga gamit. --- Nasa airport na sina Luike at ang mga kasamahan nito. Hinihintay na lang nila ang oras ng kanilang pag-alis. Nakita n'yang busy ang ina ng bata kaya kinuha muna niya ang baby na hawak nito, at kinarga habang may ginagawa pa ang ina nito. -- Kapapasok lamang nina Wai at Jix sa airport, dahil may kaunting traffic na naganap sa daan kanina. Kaya medyo na-late sila. Kaagad silang pumunta sa counter para mag-ckeck in, at agad naman silang natapos. Naghihintay na lang sila ng oras ng kanilang pag-lipad. "Excited?" tanong ni Wai kay Jix nang makupo na sila sa loob ng eroplano. "Yes!" nakangiting sagot ni Jix sa kaibigan. "Good," tipid na sabi ni Wai at sabay pikit ang mata para matulog muna. Mahabang oras ang kanilang hihintayin bago makarating sa kanilang destinasyon. -- Makalipas ang halos sampung oras na byahe sa himpapawid ay narating na rin nila ang Pilipinas. Kitang-kita na nila ang ilaw ng buong Manila kung saan sila lalapag. "Welcome back self." Sa isip ni Wai habang nakatingin sa lawak ng airport na lalapagan nila. "Sa wakas, nandito na tayo!" masayang sabi ni Jix kay Wai at nginitian lang siya nito. Dahil gabi ang kanilang dating, halos mag-eleven na ng gabi kaya magta-taxi na lang pauwi si Wai. Dahil alam n'yang may sundo si Jix at 'yon ay ang kaniyang asawa. Habang naghihintay sina Luke na lalabas ang knailang mga gamit ay tumayo muna s'ya sa may gilid at hihintayin na lang sina First sa gilid. -- "Nasa labas na si misis," ani Jix na excited nang lumabas pero naghihintay pa sila ng kanilang gamit. "Naks! Excited ka talaga huh," ani Wai rito at nakita na nila ang kanilang mga gamit. -- Nakuha na nila Luke ang kanilang mga gamit. Kaya naman lalabas na sila at naghihintay na sa kanila ang kailang sundo. Buhat ni Luke ang baby, dahil alam n'yang pagod ang ina nito. Habang naglalakad sina Wai at Jix ay parang biglang may nararamdamamg kakaiba si Wai na hindi niya mawari kung ano. Parang pakiramdam ni Luke ay nanindig ang kaniyang mga balahibo sa mga oras na iyon. Pero tuloy lang ang kaniyang lakad kasabay nito ang ina ng bata. Nagbibiruan naman sina Wai at Jix habang palabas nang biglang hindi makagalaw si Wai nang makita ang kanilang nakasalubong. Halos mag-slow motion ang hakbang ni Luke nang makita nito kung sino ang babaeng kaniyang makakasalubong. NOTE: October 1 po ang start nito. Maraming salamat po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD