Chapter 1

1591 Words
Excited na si Wai na umuwi ng bansa dahil natapos na nito ang mission niya sa ibang bansa. Dala-dala na niya ang titulo na matagal na niyang gustong makamit. Kaya naman sobrang excited na siya. Pero ang tanong niya sa kanyang sarili, handa na ba siyang harapin ang lalaking pinangakuan niya? Magkikita pa kaya silang muli? Paano kung hindi na pala ito nakahintay sa kanya at may iba na ito? "Ano ba, Wai, kung anu-ano pumapasok sa isip mo." Sa isip niya. "Hoy, parang natutulala ka na naman d'yan?" sabi ng kaibigan nito na kasamahan niya sa opisina, kung saan siya nagtatrabaho. Isa rin itong pinoy na kagaya niya. Marami silang mga pinoy sa company na iyon. "Ako? 'Di ah," pagsisinungaling nito sa kaibigan, para hindi siya mabuking nito. "Sush, huwag ako, Wai. Alam ko na 'yan, mas excited ka pa sa akin eh! Na may uuwian. Eh ikaw, wala," pagbibirong sabi ng kaibigan nito, dahil may asawa ito sa pilipinas. kasabay niyang uuwi si Wai para sa bansa na lang sila magtrabaho. "Wala ah, baka ikaw may iniisip dahil makakauwi ka na at makakasama mo na asawa mo, ehem," panunukso ni Wai kay Jix, para iwala ang usapan nila. "Tara na nga mag-lunch. Gutom mo lang 'yan. Treat kita," yakag ni Wai at nauna na itong umalis sa kaibigan para tumahimik na. ---- "Sir, nakahanda na po ang lahat," wika ng lalaki. "Good. Sasabihin ko sa iyo kung kailan ang alis natin," sagot ni Luke sa kanang kamay nito. "Yes, Sir. Natawagan ko na si Second na ihanda na ang lahat at isa sa mga araw na ito ay uuwi na tayo sa Pilipinas," pahabol nitong sabi kay Luke. "Sige. Maasahan ka talaga, First," sagot lang ni Luke sabay tapik sa balikat nito. Isa sa kanang kamay ni Luke si First mula no'ng nagpasya siyang tumira sa ibang bansa. Pinamamahalaan nito ang kaniyang mga negosyo. Inaayos din nito ang malaking problema na dumating sa kanilang pamilya. At ngayong naayos na ang lahat, kaya nagpasya na itong umuwi ng bansa at doon naman ang aayusin n'ya. Lalo na ang kaniyang mga negosyo sa bansa. ---- Habang kumakain sina Wai, hindi pa rin tumitigil si Jix sa kadadaldal nito at hinuhuli talaga siya nito. "Ano na? Sasabihin mo na ba sa akin?" pangungulit nito kay Wai. "Anong sasabihin ko sa 'yo?" tanong ni Wai sabay taas kilay nito sa kaibigan. Kilala nitong malihim si Wai at may pagkamasungit ang kaibigan nito. Sa dami ng manliligaw nito, ni isa wala itong tinanggap kahit isa. Kaya alam niyang may tinatago ang kaibigan na 'di niya alam. "Malalaman ko rin 'yan," pang-iinis ni Jix dito. "Ano? Kulang pa ba 'yang kinakain mo para tumigil ka na? Order ka pa. Akong bahala," ani Wai sa kaibigan, para tumigil na talaga ito. Dahil naririndi na talaga siya sa kaibigan. Ayaw niyang sabihin sa kaibigan. Hindi nga siya sigurado kung single pa nga ba ang lalaking noon pa n'ya gustong makita. --- Nakatayo si Luke sa malawak na terrace ng kaniyang bahay na nakaharap sa dagat. Isa ito sa kaniyang rest house sa ibang bansa. Talagang siya mismo ang nag-design sa bahay niya. Ang layo ng kaniyang tingin. Gusto niyang hanapin ang babaeng matagal na niyang gustong makita. Pero paano at saan? Magmula noong may nangyari sa kaniya ay nawala na rin ang kaniyang kontak sa babae. At wala na siyang balita rito. Gusto niya itong ipahanap at alamin ang tungkol sa babae. Kilala pa kaya siya ng babae? Ang dami niyang gustong sabihin dito. Pero paano at saan siya mag-uumpisa sa paghahanap dito? Napapailing na lang si Luke sa kaiisip. Kaya tama lang na babalik siya sa bansa, kung saan niya nakilala ang babae. At magbabakasakaling makita niya ito isang araw at 'yon ay hindi na niya patatagalin pa. Uuwi siya sa lalong madaling panahon bago pa siya mabaliw sa kakaisip dito. ----- "Wai, saan ka pala nakatira sa atin?" tanong ni Jix dito. "Bakit?" taas kilay na tanong pabalik ni Wai, dahil alam niya iniisip ng kaibigan nito. "Wala. Tinatanong ko lang, malay mo dadalawin kita." Sabay kindat nito kay Wai. "Ako na lang dadalaw sa bahay n'yo. Alam ko na 'yang iniisip mo Jix," sagot ni Wai habang nakatuon ang mata nito sa screen ng kaniyang computer. May tinatapos itong case bago sila umuwi ng Pilipinas. "Duh, damot nito." Kunwaring nagtatampo ito. "Magdrama ka pa r'yan, Jix. Kilala na kita," sagot ni Wai dito na 'di pa rin inaalis ang mga mata nito sa ginagawa. Ayaw n'yang ipaalam kahit kanino kong saan siya nakatira dahil gusto n'yang tahimik lang ang buhay niya, siya na lang ang dadalaw sa kaniyang mga kaibigan. "Sige na nga, sabi mo eh." Sabay irap ni Jix kay Wai kahit 'di naman ito nakatingin sa kan'ya, dahil busy si Wai sa ginagawa nito. "Tapusin mo na 'yang pinapagawa ko sayo, kung ayaw mong maiwan dito at mag-isa akong uuwi ng Pilipinas," pagbibiro ni Wai sa kaibigan. "Subukan mong iwan ako rito, magbibigti talaga ako." Kunwaring panakot nito kay Wai. "Anong tali gagamitin mo? Bibilhan pa kita," pabirong sagot ni Wai, pero seryoso ang mukha nito. "Gan'yan ka lang sa akin, Wai. Hindi mo talaga ako love," pagtatampong sabi nito kay Wai. "Kaya bilisan mo na r'yan. H'wag puro daldal kasi. Kundi maabutan tayo dito ng siyam-siyam," ani Wai habang busy ang mga kamay at mata nito sa ginagawa. ---- "Yes, Sir. Ako na po ang bahala. Kapag may nakuha akong balita sasabihin ko po agad sa 'yo," sagot ni Second kay Luke habang kausap nito sa telepono. Pinahanap nito si Wai sa mga law firm sa Pinas kung nando'n ba ang babae. Nagbabasakali siyang makita niya ito. Pero paano kung hindi ito nagtatrabaho bilang isang lawyer? Paano kung may asawa na ito at nag-iba na ito ng last name? Nahuli na kaya siya para makita pa ang babae? Gagawin n'ya ang lahat makita lang niya ito. Kahit pa gumastos siya nang malaki. Wala s'yang pakialam para sa babaeng minahal niya noon at mas minahal pa niya ngayon. Kahit alam niyang walang kasiguraduhan na siya pa rin ba ang mahal nito. --- Matapos ang trabaho ni Wai ay nagpasya na itong dumiretso na lang ng uwi sa condo, kung saan siya nakatira. Gusto niyang ayusin ang kaniyang mga gamit para sa kaniyang pag-uwi. Handa na siyang harapin ang bagong buhay sa Pilipinas, kung saan doon niya nakilala si Luke. "Wai, hintayin mo ako!" Habol ni Jix sa kaibigan. Dahil iniwan na niya ito. Alam n'yang hindi pa ito tapos sa kaniyang ginagawa. "Sure akong hindi mo na naman tinapos ang pinagawa sa 'yo," ani Wai habang nag-aabang sila ng sasakyan papunta sa kanilang tinitirhan. Iisang building lang sila kaya sabay silang pumapasok at umuuwi. Ang buong akala nang nakakakita sa kanilang dalawa ay mag-asawa or mag-boyfriend sila, dahil sila lagi ang magkasama. Kilala si Wai ng asawa ni Jix at kaibigan rin n'ya ito. Dahil parang kapatid lang ang turing ni Wai kay Jix. Kilala niyang makulit ito pero matinong kaibigan at maaasahan rin niya ito. "May bukas pa naman, eh," sagot nito kaagad kay Wai. "D'yan ka magaling. Sa may bukas pa. Bahala ka. Hindi na kita tutulungan sa case na 'yan, " kunwaring galit na sabi ni Wai kay Jix. "Grabe ka talaga! Gusto mo talaga akong maiwan dito," pagtatampong sagot ni Jix sa kaibigan. Siya namang dating ng kanilang sasakyan at nauna na si Wai sa pagsakay at sumunod din si Jix kay Wai na sumakay. --- "Luke, sasama kaming uuwi sa 'yo sa Pilipinas. Please," pagmamakaawa ng babae kay Luke. Tiningnan naman ni Luke ang babae na nasa kaniyang harapan. Naawa siya rito, lalo na at napakaamo ng mukha ng babae, "Sigurado kang sasama ka sa akin sa Pilipinas?" paniniguradong tanong ni Luke sa kaharap. "Yes," mabilis na sagot naman nito kay Luke. "Sige. Ipapaayos ko kay First ang mga papeles n'yo ni baby para mapabilis ang pag-uwi natin," ani naman ni Luke sa babae. "Salamat, Luke," tipid na sabi lang ng babae kay Luke at umalis na ito. Dahil ayaw ni Luke na makasama ang babae sa iisang bubong pag-uwi nila, kaya kumuha siya ng isang condo para sa mag-ina. Kaagad niyang tinawagan si First at ipaalam dito na may kasama siyang uuwi at pinaayos nito ang tirahan ng mag-ina. -- Dahil sa pagod at sakit ng batok ni Wai sa trabaho nito, ay kaagad itong sumalampak sa kaniyang sofa pagkarating nito ng bahay. Parang gusto niya nang mahabang break muna bago siya mag-umpisa sa trabaho pag-uwi ng bansa. Alam niyang mas mahirap ang trabaho na haharapin niya roon. Pero, wala siyang choice kung hindi ang magtrabaho para sa kaniyang sarili at mga pangarap. Hindi na namalayan ni Wai na nakaidlip na pala siya sa sofa. Napabalikwas ito nang may malakas na katok siyang narinig mula sa kaniyang pinto. Kaya kaagad itong bumangon at pinuntahan, kung sino man ang nasa labas nito. "Bulaga!" Malakas na boses ni Jix ang bumungad sa kaniya at sabay pasok na lang ito sa loob, kahit hindi pa ito inanyayahan ni Wai na pumasok. Napapailing na lang talaga si Wai sa kaibigan. Sadyang makulit talaga ito. "Ano na naman bang nakain mo at nambubulabog ka?" tanong ni Wai at sumalampak ito sa sofa. "Taran!" sabay labas ni Jix ng mga pagkaing dala nito, "Alam kong hindi ka pa nagluluto kaya nag-takeout na ako para sa atin," ani Jix kay Wai na parang antok pa. "Mabuti alam mo," sagot ni Wai at tumayo na ito at dinaluhan si Jix sa mesa para kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD