BH 17 HOLY s**t! Kulang na lang ay dumapa si Phoenix sa sahig nang mamukhaan niya ang matandang lalaki na pumasok sa lobby. Daig pa niya ang nasa giyera at nakakita ng kalaban na raratratan siya anumang oras. The old man stopped and looked around. The only thing that's white in him was his hair. Nakaitim iyon na mamahaling office suit at sapatos. Ang mga alipores ay nakaitim din, nagmamasid sa paligid. Tumingin iyon sa gawi nila kaya napauklo siya sa kinauupuan. Jesus. "Susko. Iyan na yata si Senyor Thomas," ani Jessie sa kanilang dalawa ni Helga. Tila ito natataranta na parang ngayon lang nakakita ng matandang purong uban ang buhok. "Nix, ikaw na. Mas magaling kang mag-ingles," anaman ni Helga sa kanya kaya kunwari ay napangiwi siya. "Sumasakit nga ang tiyan ko. Nausog mo yata ako