BH 16 PAIGE woke up happily. "Good morning sa maganda kong sisteret na kamukha ko!" Bati ni Medz sa kanya, kaya napatingin siya sa matalik na kaibigan, na totoong para na nga niyang kapatid. Nalingon niya ito at ngumiti, "Morning." Nagbubukas ito ng kanyang mga kurtina para papasukin ang sinag ng araw at ang mismong init na nagmumula sa kanyang balkonahe. "Walang bad dream," anito sa kanya kaya tumango siya. "Wala. Perhaps, you're my dream catcher." "Trulaloo!" Anito sa kanya, "Sissy, sasama ako sa office, pwede ba?" Anitong nilalagyan ng ribbon ang makakapal ng kurtina. "Oo naman. Why? Bored ka na ba rito?" "Medyo. Saka, dadalaw ako sa amin ha." "Pero dito ka matutulog, di ba?" Tanong niya na parang natatakot na kaagad. "Oo naman," sagot ni Medz sa kanya. Bumangon na rin si Pa