Chapter 28 Nag-ninja moves kami pagbalik ng Hotel. Kung ano-anong paraan ang ginawa ni Dom para takpan ako at ang sarili niya. Muntik pa kaming magnakaw ng mga nakasampay na underwear sa mga nadaraanan namin para lang maitago ang katawan. Buti na lang gabi na at halos walang tao na tumatambay rito sa labas. Si Dom na ang pumunta sa Hotel. Naghintay na lang ako na makabalik siya at nagtago sa madilim na part. Sinigurado kong walang dumaraan. Kung mayroon man ay todo yuko at tago ako. Nakakahinga ako ng maluwag dahil wala nang mga tao pa ang pagala-gala rito. Pagbalik niya ay nakakuha siya ng sandamakmak na mura at hampas mula sa akin. Tinawanan niya lang ako at binigyan ng bathrobe dress para pansamantalang suotin. Nang makarating kami ay mabilis akong dumiretso sa bathroom para mag-

